Talamak na nakakahawang sakit sa baga
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang talamak na nakakahawang sakit sa baga o chronic obstructive pulmonary disease (COPD), bukod sa iba pa, ay isang uri ng sakit na may pagbara sa baga na inilalarawan ng hindi gumagaling na mahinang pagdaloy ng hangin. Karaniwan itong lumalala sa katagalan. Kasama sa mga pangunahing sintomas ang kapos na hininga, ubo, at paglikha ng plema.[1] Karamihan sa mga taong may hindi gumagaling na bronchitis ay mayroong COPD.[2]
Ang paninigarilyo ng tabako ay ang pinaka-karaniwang sanhi ng COPD, kasama ang iba pang bilang ng mga dahilan tulad ng polusyon sa hangin at henetiko na may maliit na ginagampanang tungkulin.[3] Sa mga mahirap na bansa, ang isa sa mga karaniwang pinagmumulan ng polusyon sa hangin ay mula sa pagluluto at apoy na pampainit na hindi maganda ang pasingawan. Ang matagalang pagkakalantad sa mga irritant na ito ay nagdudulot ng tugon na pamamaga sa mga baga na nagreresulta sa pagkipot ng mga maliit na daanan ng hangin at pagkasira ng tisyu ng baga na kilala bilang emphysema.[4] Ang pagkilala sa sakit ay batay sa mahinang daloy ng hangin na sinusukat ng mga pagsusuri sa paggana ng baga.[5] Ang kaibahan sa hika, ang pagbawas sa daloy ng hangin ay hindi Malaki ang binubuti sa pamamagitan ng pagbibigay ng gamot.
Maaaring maiwasan ang COPD sa pamamagitan sa pagbawas sa pagkakalantad sa mga kilalang sanhi. Kasama dito ang mga pagsusumikap para bawasan ang dalas ng paninigarilyo at para pahusayin ang kalidad ng hangin sa loob at sa labas. Kasama sa mga paggamot ng COPD ang: paghinto ng paninigarilyo, mga bakuna, rehabilitasyon, at ang madalas na nalalanghap ng mga bronchodilator at mga steroid. Maaaring magbenepisyo ang ilang mga tao mula sa pangmatagalang oxygen therapy o pag-transplant ng baga.[4] Sa mga mayroong panahon ng malubhang paglala, nadagdagang paggamit ng mga gamot at mga pagkakaospital ay maaaaring kailanganin.
Sa buong mundo, naaapektuhan ng COPD ang 329 milyong tao o halos 5% ng populasyon. Noong 2012, ito ay humanay bilang pangatlong nangungunang sanhi ng pagkamatay, na pumapatay sa mahigit sa 3 milyong tao.[6] Inaasahang dumami ang bilang ng pagkamatay dahil sa mas mataas na bilang ng paninigarilyo at populasyon ng matatanda sa maraming bansa.[7] Nagresulta ito sa tinatayang halaga ng ekonomiya na $2.1 trilyon noong 2010.[8]