Hika
pangmatagalang karamdaman na may kinalaman sa kakulangan sa hanging pumapasok sa baga / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Asthma o Hika' (mula sa salitang Giyego na ἅσθμα, ásthma, "paghingal") ay isang karaniwang matagal at pabalik-balik na sakit ng pamamaga ng daanan ng hangin na nakikilala sa pamamagitan ng naiiba at pabalik-balik na mga sintomas, nagagamot na pagkakabara ng daluyan ng hangin, at bronchospasm.[2] Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang sumisipol na paghinga, pag-ubo, paninikip ng dibdib, at kapos na paghinga.[3]
Hika | |
---|---|
Ang mga peak flow meter ay ginagamit para sukatin ang pinakamataas na bilis ng paghinga nang palabas (peak expiratory flow), na mahalaga sa parehong pagsubaybay at pagsusuri ng hika.[1] | |
Espesyalidad | Pulmonology, immunology |
Inaakalang ang hika ay sanhi ng magkasamang henetiko at mga bagay sa kalikasan.[4] Ang pagkilala dito ay karaniwang batay sa pattern ng mga sintomas, pagtugon sa therapy sa pagtagal nito, at ng spirometry.[5] Inuuri ito ng klinika ayon sa dalas ng mga sintomas, dami ng hangin na sapilitang ihinihinga palabas sa isang segundo (FEV1), at pinakamataas na bilis ng paghinga nang palabas (peak expiratory flow rate) .[6] Ang hika ay maaari ring uriin bilang atopic o minanang kalamangang magkaroon ng labis na sensitibong reaksiyon (extrinsic o nagmumula sa labas) o hindi atopic (intrinsic o nagmumula sa loob)[7] kung saan ang atopy ay tumutukoy sa predisposisyon tungo sa pagkakaroon ng type 1 hypersensitivity o labis na pagiging sensitibo na mga reaksiyon.[8]
Ang paggamot sa mga malubhang sintomas ay karaniwan ginagamitan ng nilalanghap na beta-2 agonist na maikli ang bisa (tulad ng salbutamol) at ng iniinom na mga corticosteroid.[9] Sa mga napaka-malubhang kaso maaaring kailanganin ang iniiniksyon na mga corticosteroid, magnesium sulfate at pagpapa-ospital.[10] Ang mga sintomas ay maaaring mapigilan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga nakakapagsimula nito, tulad ng mga nagdudulot ng alerhiya[11] at nakakapag-irita, at sa pamamagitan ng paggamit ng nilalalanghap na mga corticosteroid. Ang[12] Ang mga beta agonist na matagal ang bisa (Long-acting beta agonists o LABA) o mga leukotriene antagonist ay maaaring gamitin bilang karagdagan sa mga nilalanghap na corticosteroid kung ang mga sintomas ng hika ay mananatiling hindi makontrol.[13] Ang paglaganap ng hika lumaki simula noong 1970s. Simula noong 2011, 235–300 milyong tao ang naapektuhan sa buong mundo,[14][15] kabilang rito ang 250,000 na pagkamatay.[15]