Talaang panlahatang panahon ng medalya ng Palarong Olimpiko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang panlahatang panahong talaan ng medalya ukol sa lahat ng Palarong Olimpiko mula 1896 hanggang 2008, kabilang ang mga Palarong Olimpiko sa Tag-init, Palarong Olimpiko sa Taglamig at pinagsamang kabuuan ng pareho, ay nakatala sa talahanayan sa ibaba. Ang mga bilang na ito ay hindi kasama mula sa Palarong Pansingit 1906 kung saan hindi na kinikilala nang lubos ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) bilang opisyal na Palaro.
Ang IOC mismo ay hindi naglalathala ng mga talahanayang panlahatang panahon, at naglalathala ng mga di-opisyal na talahanayan lamang sa bawat pangisahang Palaro. Kung kaya ang talahanayang ito ay nangangalap sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pangisahang pagpasok mula sa batayang-datos ng IOC.[1]
Ang mga resulta ay natatangi sa pambansang kodigo ng IOC na kasalukuyang nakatala sa batayang-datos ng IOC. Karaniwan, isang kodigo ay umuugma sa isang Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC). Kung ang mga magkaibang kodigo ay nakatala sa loob ng mga iba't ibang taon, ipinagsama ang mga bilang ng medalya kung may pagpapago sa kodigong IOC (tulad ng mula HOL sa NED para sa Olanda) o pagbabago ng pangalan ng bansa tulad mula Ceylon sa Sri Langka. Nang ang mga medalya ay tinatangi sa bawat NOC, hindi lahat ng mga kabuuan ay kabilang ng mga medalya na napanalunan ng mga manlalaro mula sa bansa para sa isa pang NOC, tulad ng bago nakamtan ng kalayaan ng bansa (tingnan ang mga pangisahang talababa ukol sa mga tanging kaukalan tulad ng mga pinagsamang kuponan). Ang mga pangalan na may mga titik na palihis ay mga pambansang entidad na hindi na umiiral.