SARS-CoV-2
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang SARS-CoV-2 (mula sa Ingles: Severe acute respiratory syndrome coronavirus 2),[1][2] na dating kilala bilang 2019-nCoV at Wuhan virus,[3][4] ay isang positive-sense single-stranded RNA virus.[5][6][7] Ito ay nakakahawa sa tao at ang sanhi ng COVID-19.[8]
Severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 | |
---|---|
Electron micrograph ng SARS-CoV-2 virion's | |
Larawan ng isang SARS-CoV-2 virion | |
Klasipikasyon ng mga virus | |
(walang ranggo): | Virus |
Realm: | Riboviria |
Kaharian: | Orthornavirae |
Kalapian: | Pisuviricota |
Hati: | Pisoniviricetes |
Orden: | Nidovirales |
Pamilya: | Coronaviridae |
Sari: | Betacoronavirus |
Subgenus: | Sarbecovirus |
Espesye: | |
Strain: | Severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 |
Kilalang baryante | |
| |
Kasingkahulugan Tsina SARS-CoV-2 | |
Ang SARS-CoV-2 ay may malaking pagkakahawig sa mga coronavirus na nanggagaling sa paniki (na mayroong sootomiyang pinagmulan),[9][10][11] ngunit mayroon ding pagkakahawig sa mga coronavirus na galing sa balintong.[12][13] Sa taksonomiyang pananaw, ang SARS-CoV-2 ay itinuturing bilang isang lahi ng uring severe acute respiratory syndrome-related coronavirus.[1]
Ang SARS-CoV-2 ang sanhi ng pandemya ng COVID-19, na isang Kagipitan ng Pampublikong Kalusugang May Pandaigdigang Pakundangan (PHEIC) na nagmula sa Wuhan, Tsina.[14] Dahil dito, ang virus ay tinatawag din sa impormal na katawagan na "Wuhan coronavirus".[15][16]