Pandemya ng COVID-19
kasalukuyang nagaganap na pandemya dulot ng SARS-CoV-2 / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pandemya ng COVID-19 ay isang pandemya ng COVID-19 dulot ng SARS-CoV-2. Unang naiulat ang birus sa Wuhan, Hubei, Tsina, noong Disyembre 2019.[3][4] Idineklara ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan ang pagsiklab bilang Kagipitan ng Pampublikong Kalusugang May Pandaigdigang Pakundangan (PHEIC) noong Enero 30, 2020, at bilang pandemya noong Marso 11, 2020.[5][6] Pagsapit ng Abril 16, 2021, naiulat ang higit sa 139 milyong kaso ng COVID-19 sa higit sa 192 bansa at teritoryo, na ikinamatay ng higit sa 2,990,000 katao. Higit sa 79,500,000 katao ang gumaling.[7]
| |||||||
| |||||||
Sakit | COVID-19 | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Uri ng birus | SARS-CoV-2[lower-alpha 1] | ||||||
Lokasyon | Buong mundo | ||||||
Unang kaso | Xiaogan, Hubei, Tsina [2] | ||||||
Pinagmulan | Wuhan, Hubei, Tsina 30°37′11″N 114°15′28″E Enero 30, 2020-Mayo 5, 2023 | ||||||
Kumpirmadong kaso | 608,279,956 (milyon)[lower-alpha 2] | ||||||
Pinaghihinalaang kaso‡ | 780, posibilidad 10% | ||||||
Gumaling | TBA | ||||||
Patay | 6,513,584 (milyong, natala) 15.8–27.2 milyon (tinataya) | ||||||
‡ Ang mga pinaghihinalaang kaso ay hindi pa nakumpirma sa ngayon dahil sa strain na ito na sinusubukan sa laboratoryo, bagaman may ilang ibang strain na hindi na pinaghihinalaan. |
Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang lagnat, ubo, pagkapagod, pangangapos ng hininga, at pagkawala ng pangamoy.[8][13][14][15] Kinabibilangan ang mga komplikasyon ng pulmonya and acute respiratory distress syndrome (ARDS).[16] Ang karaniwang oras mula pagkalantad hanggang paglitaw ng sintomas ay halos limang araw, ngunit maaaring mula sa dalawa hanggang labing-apat na araw.[17][18] Kasalukuyang walang bakuna o partikular na gamot kontra sa birus.[8] Nakatuon ang pangunahing paggamot sa pamamahala ng sintomas at mapagsuportang terapewtika (o ang pag-ibsan ng paghirap ng pasyente).[19] Kabilang sa mga inirerekomendang hakbang sa pag-iwas sa sakit ang paghuhugas ng kamay, pagtakip sa bibig habang umuubo, pagpapanatili ng distansya sa ibang tao (partikular sa mga taong may sakit), pagsuot ng peysmask sa mga pampublikong lugar, at pagsubaybay at pagbubukod ng araw para sa mga taong pinaghihinalaang na nahawaan sila.[8][17][20] Tumugon ang mga awtoridad sa buong mundo sa pamamagitan ng pagtupad ng paghihigpit sa paglalakbay, mga lockdown, pagkontrol ng panganib sa mga pinagtatrabahuan, at pagsasara ng mga pasilidad. Nagpunyagi rin ang mga mararaming lugar para pataasin ang kapasidad ng pagsusuri at matunton ang mga kontak ng mga nahawaang tao. Nagdulot ang pandemya ng matinding pagkagambala sa pandaigdigang ekonomiya,[13] kabilang dito ang pinakamalaking pandaigdigang resesyon mula noong Matinding Depresyon.[21] Ito ay humantong sa pagpapaliban o pagkakansela ng mga kaganapan sa pakalasan, relihiyon, pulitika at kultura,[22] laganap na kakulangan ng suplay na pinalala ng pagtataranta sa pagbili,[23][24] at pagbaba ng mga emisyon ng mga pamparumi at greenhouse gas.[25][26] Ipinasara ang mga paaralan, unibersidad, at kolehiyo sa 177 bansa, na nakaapekto sa halos 98.6 porsiyento ng pandaigdigang populasyon ng mga mag-aaral.[27] Kumalat ang mga maling impormasyon tungkol sa birus online,[28] at nagkaroon ng mga pangyayari ng xenopobya at diskriminasyon laban sa mga Tsino at laban sa mga nakikita bilang Tsino, o sa mga nanggagaling sa mga lugar na may matataas na bilang ng impeksyon.[29][30][31]