Museo di Capodimonte
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Museo di Capodimonte ay isang museong pansining na matatagpuan sa Palasyo ng Capodimonte, isang dakilang Brobon na palazzo sa Napoles, Italya. Ang museo ay ang pangunahing sinupan ng Napolitanong na pagpipinta at sining pandekorasyon, na may ilang mahahalagang likha mula sa iba pang mga paaralan ng pagpipinta ng Italya, at ilang mahahalagang sinaunang eskultura ng Roma. Ito ay isa sa pinakamalaking museo sa Italya. Ang museo ay pinasinayaan noong 1957.[2]
Agarang impormasyon Itinatag, Lokasyon ...
Itinatag | 1757 |
---|---|
Lokasyon | Via Miano, 2 80131 Napoles, Italya |
Mga koordinado | 40.86700°N 14.250555°E / 40.86700; 14.250555 |
Uri | Museong pansining, Makasaysayang pook |
Mga Dumadalaw | 193 055[1](2016) |
Sityo | Opisyal na website ng Museo di Capodimonte |
Isara
Matapos ang pagtatapos ng monarkiya, ang palasyo ay naging isang pambansang museo noong 1950, kung saan marami sa mga eksibit ang ibinalik mula sa Pambansang Museo.