Kalakhang Lungsod ng Napoles
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kalakhang Lungsod ng Napoles (Italyano: Città metropolitana di Napoli) ay isang Italyanong Kalakhang Lungsod sa rehiyon ng Campania, na itinatag noong Enero 1, 2015. Ang kabeserang lungsod nito ay ang Napoles; sa loob ng lungsod ay mayroong 92 comune (munisipalidad).[2][3] Ito ay unang nilikha ng reporma ng mga lokal na awtoridad (Batas 142/1990) at itinatag ng Batas 56/2014, kung kaya pinalitan ang Lalawigan ng Napoles noong 2015.
Agarang impormasyon Country, Region ...
Kalakhang Lungsod ng Napoles | ||
---|---|---|
Tanaw mula sa langit ng Kalakhang Lungsod ng Napoles | ||
| ||
Country | Italy | |
Region | Campania | |
Established | 1 Enero 2015 | |
Capital(s) | Naples | |
Comuni | 92 | |
Pamahalaan | ||
• Kalakhang Alkalde | Luigi de Magistris | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 1,171 km2 (452 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2014) | ||
• Kabuuan | 3,128,700 (4,500,000) | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
ISTAT | 263 [1] | |
Websayt | cittametropolitana.na.it |
Isara
Ang Kalakhang Lungsod ng Napoles ay pinamumunuan ng Kalakhang Alkalde (Sindaco metropolitano) at ng Kalakhang Konseho (Consiglio metropolitano). Mula noong Enero 1, 2015, ang pinuno nito ay si Luigi de Magistris, bilang alkalde ng kabesera ng lungsod.