Victor Hugo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay isang Pranses na makata, mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay, artistang pangbiswal, politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang Romantiko (tagapagtangkilik ng Romantisismo) sa Pransiya.
Victor Hugo | |
---|---|
Kapanganakan | 26 Pebrero 1802[1]
|
Kamatayan | 22 Mayo 1885[1]
|
Mamamayan | Pransiya[2] |
Nagtapos | Université de Paris Lycée Louis-le-Grand |
Trabaho | politiko, mandudula, nobelista, dibuhista,[3] librettist, manunulat ng sanaysay, manunulat,[3] ilustrador, travel writer, makatà,[3] historyador sa sining, publisista, graphic artist |
Pirma | |
Sa Pransiya, hindi lamang nakasalalay sa kanyang mga nobela ang kabantugan sa panitikan ni Hugo, subalit gayundin sa kanyang pangmakata at dramatikong mga nagawa. Karamihan sa mga tomo ng panulaan, katulad ng Les Contemplations at La Légende des siècles ang tinatangkilik ng mga manunuri ng panitikan, at minsang kinikilala si Hugo bilang pinakadakilang makatang Pranses. Sa labas ng Pransiya, pinakakilala ang kanyang mga nobelang Les Misérables at Notre-Dame de Paris (kilala sa Ingles bilang The Hunchback of Notre Dame o "Ang Kuba ng Notre Dame").
Bagamang isang konserbatibong royalista noong kanyang kabataan, naging isang liberal si Hugo habang lumilipas ang mga dekada. Naging tagapagtangkilik siya ng republikanismo, at nagtatalakay ang kanyang mga gawa ng mga paksang pampolitika at panglipunan, pati na ng mga gawi sa sining, noong kanyang panahon.
Nakalibing ang kanyang bangkay sa loob ng Panthéon.