Unang milenyo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang unang milenyo ng anno Domini o Karaniwang Panahon ay isang milenyo na sumasaklaw sa mga taong 1 hanggang 1000 (una hanggang ika-10 dantaon; sa astronomiya: JD o Huliyanong araw na 1721425.5 – 2086667.5[1]). Tumaas ang populasyon ng mundo ng mas mabagal kaysa noong nakaraang milenyo, mula sa mga 200 milyon noong taong 1 AD hanggang sa mga 300 milyon noong taong 1000.[2]
Sa Kanlurang Eurasya at Malapit na Silangan, ang unang milenyo ay isang panahon ng malaking paglipat mula Klasikong Sinaunang Panahon tungo sa Gitnang Panahon. Nakita sa unang siglo ang rurok ng Imperyong Romano, na sinundan ng unti-unting paghina nito noong panahon ng Huling Sinaunang Panahon, ang pagbangon ng Kristiyanismo at ang Dakilang Pandarayuhan. Ang ikalawang kalahati ng milenyo ay nakikilala bilang ang Maagang Gitnang Panahon sa Europa, at minamarka ng pagpapalawak ng Viking sa kanluran, ang pagbangon ng Imperyong Bisantino sa silangan.