Tyrannosaurus
uri ng mga dinosauro / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tyrannosaurus ( /tɪˌrænəˈsɔrəs/ or /taɪˌrænəˈsɔrəs/; na nangangahulugang "maniniil na butiki" mula sa Griyegong tyrannos (τύραννος) at sauros (σαῦρος)) ay isang henus ng coelurosaurong therapodang dinosauro. Ang espesyeng Tyrannosaurus rex (na mula sa Latin na rex na nangangahulugang "hari") na karaniwang pinaikling T. rex ay isang bahagi ng kulturang popular. Ito ay namuhay sa buo ng ngayong kanluraning Hilagang Amerika na sa panahong ito ay isang islang kontinente Laramidia na may mas malawak na saklaw kesa sa ibang mga tyrannosaurid. Ang mga fossil nito ay natagpuan sa iba't iabng uri ng mga pormasyon ng bato na may petsang Maastrichtian ng Itaas na Kretaseyoso 67 hanggang 65.5 milyong taon ang nakalilipas.[1] Ito ay kasama sa mga huling hindi-ibonng mga dinosauro na umiral bago ang pangyayaring ekstinksiyon na Kretaseyoso-Paleohene. Tulad ng ibang mga tyrannosaurid, ang Tyrannosaurus ay isang bipedal na karnibora na may malawak na bungo na binalanse ng isang mahaba at mabigat na buntot. Relatibo sa malaki at makapangyarihang mga likurang biyas, ang mga harapang biyas ay maliit bagaman hindi karaniang makapangyarihan para sa sukat nito at may dalawan mga kuko mga daliri. Bagaman ang ibang mga theropoda ay nakipagtunggali o humigit sa Tyrannosaurus rex sa sukat nito, ito ang pinakamalaking alam na tyrannosaurid at ang isa sa pinakamalaking alam na mga maninila ng lupain na may sukat na hanggang 12.3 m (40 tal) sa haba,[2] hanggang 4 metro (13 tal) taas sa mga balakang,[3] at hanggang 6.8 metric ton (7.5 short ton) sa timbang.[4]
Tyrannosaurus | |
---|---|
Reconstructed type specimen (CM 9380) at the Carnegie Museum of Natural History | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Dinosauria |
Klado: | Theropoda |
Pamilya: | †Tyrannosauridae |
Tribo: | Tyrannosaurini Osborn, 1906 |
Sari: | †Tyrannosaurus Osborn, 1905 |
Espesye: | †T. rex |
Pangalang binomial | |
†Tyrannosaurus rex Osborn, 1905 | |
Kasingkahulugan | |
Genus synonymy
Species synonymy
|