Talaan ng mga lungsod at bayan sa Pilipinas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pilipinas ay administratibong nahahati sa 81 lalawigan. Kasama ang Pambansang Punong Rehiyon (NCR), ay nahahati pa sa mga lungsod at bayan (o munisipalidad).
Iniuri ang mga lungsod sa ilalim ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991 (Batas Republika Blg. 7160) sa tatlong mga kategorya: mataas na urbanisadong mga lungsod (highly urbanized cities), malayang nakapaloob na mga lungsod (independent component cities), at nakapaloob na mga lungsod (component cities). Ang mga lungsod ay pinamamahalaan sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kartang munisipal bilang karagdagan sa Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991, na tumutukoy sa kanilang mga estrukturang pampangasiwaan at mga kapangyarihan. Sila ay binibigyan ng isang mas malaking bahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA) kumpara sa mga regular na bayan.
Magmula noong Seytembre 7, 2019, may 146 mga lungsod (33 mataas na urbanisado, 5 malayang nakapaloob, 108 nakapaloob) at 1,488 mga bayan na sumasakop sa buong bansa.
ayon sa Pangalan (kapaki-pakinabang lamang kapag ang listahan ay pinagsunod-sunod ayon sa pangalan ng lungsod o bayan) |
---|