Scott Adsit
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Robert Scott Adsit[2] (ipinanganak 16 Nobyembre 1965) ay isang Amerikanong komedyante, aktor at manunulat. Ipinanganak sa North Shore ng Illinois, si Adsit sumali sa mainstage cast ng The Second City ng Chicago noong 1994 matapos mag-aral sa Columbia College Chicago. Lumabas rin siya sa ilang revue, kabilang ang Paradigm Lost at dito nanalo siya ng Gawad Joseph Jefferson sa Pinakamahusay na Aktor sa isang Komedya (The Joseph Jefferson Award for Best Actor in a Comedy).
Scott Adsit | |
---|---|
Kapanganakang Pangalan | Robert Scott Adsit |
Kapanganakan | (1965-11-26) 26 Nobyembre 1965 (edad 58) Northbrook, Illinois, U.S. |
Paraan ng Pagtanghal | Stand-up, television, film |
Edukasyon | Glenbrook North High School[1] |
Alma mater | Columbia College Chicago |
Taon ng Kasiglahan | 1994–present |
Genre | Satire / political satire, improvisational comedy |
Mula 2005-2008, siya ay kapwa-direktor, kapwa-manununlat at kapwa-producer ng palatuntunang stop-motion animation na Moral Orel ng Adult Swim kasama sina Dino Stamatopoulos at Jay Johnston. Siya rin ang nagboses sa ilang tauhan at naging nomidado ng Annie Award para sa kanyang trabaho bilang Clay Puppington, ang ama ni Orel ama. Matapos ang tagumpay ng Moral Orel, sina Adsit at Stamatopoulos nagtrabaho muli sa seryeng stop-motion animation na Mary Shelley Frankenhole. Nag-order ang Adult Swim ng sampung episode para sa unang season nito, at nagsimulang naghimpapawid noong 27 Hunyo 2010 at kinansela noong 2012.
Nakilala si Adsit sa kanyang papel bilang Pete Hornberger, ang executive producer, sa NBC sitcom 30 Rock, na nanalo ng Screen Actors Guild Award for Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series noong 2008. Noong 2014, binosesan ni Adsit ang robot na si Baymax sa animated film na Big Hero 6 ng Disney.