Robert Ford
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Robert Newton "Bob" Ford (Enero 31, 1862 – Hunyo 8, 1892) ay isang Amerikanong tulisan o manghaharang na higit na nakikilala dahil sa kaniyang pagpatay sa kaniyang pinuno ng gang na si Jesse James noong 1882. Si Ford ay binaril hanggang sa mamatay ni Edward Capehart O'Kelley habang si Ford ay nasa loob ng kaniyang pansamantalang toldang (kulandong na) salon, sa pamamagitan ng isang shotgun na ang pinatamaan ay ang harapan ng pang-itaas na katawan.[1] Una siyang inilibing sa Creede, Colorado, kung saan ang saloon (salon) ay nakalagak at kung saan siya napatay, subalit lumaong muling inilibing sa Sementeryo ng Richmond sa Richmond sa Ray County, Missouri, na nakaukit ang pariralang Ingles na "The man who shot Jesse James" (Ang lalaking bumaril kay Jesse James) sa ibabaw ng kaniyang puntod (pananda sa libingan o nitso).[2]
Robert Ford | |
---|---|
Kapanganakan | 31 Enero 1862
|
Kamatayan | 8 Hunyo 1892
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |