Parma
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Parma (bigkas sa Italyano: [ˈParma]; Emiliano: Pärma) ay isang lungsod at kabesera ng lalawigan ng Parma sa hilagang rehiyon ng Italya ng Emilia-Romaña na tanyag sa arkitektura, musika, sining, prosciutto (hamon), keso, at mga nakapalibot na kanayunan. May populasyon na 198,292, ang Parma ay ang pangalawang pinakamataong lungsod sa Emilia-Romaña pagkatapos ng Bolonia, ang kabesera ng rehiyon. Ang lungsod ay tahanan ng Pamantasan ng Parma, isa sa pinakamatandang unibersidad sa buong mundo. Ang Parma ay nahahati sa dalawang bahagi ng isang sapang may kaparehong pangalan. Ang distrito sa dulong bahagi ng ilog ay Oltretorrente. Ang pangalan ng Parma na Etrusko ay inangkop ng mga Romano upang ilarawan ang bilog na kalasag na tinatawag na Parma.
Parma Pärma (Emilian) | |||
---|---|---|---|
Comune di Parma | |||
Palazzo del Governatore | |||
| |||
Mga koordinado: 44°48′05.3″N 10°19′40.8″E | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Emilia-Romagna | ||
Lalawigan | Parma (PR) | ||
Mga frazione | See list | ||
Pamahalaan | |||
• Mayor | Federico Pizzarotti (Independent) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 260.6 km2 (100.6 milya kuwadrado) | ||
Taas | 55 m (180 tal) | ||
Populasyon (2018-01-01)[2] | |||
• Kabuuan | 195,687 | ||
• Kapal | 750/km2 (1,900/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Parmigiano | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigong Postal | 43121-43126 | ||
Kodigo sa pagpihit | 0521 | ||
Santong Patron | Sant'Ilario di Poitiers, Sant'Onorato, San Rocco | ||
Saint day | January 13 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Isinulat ng makatang Italyanong si Attilio Bertolucci (ipinanganak sa isang nayon sa kanayunan) na: "Bilang isang kabeserang lungsod kailangan itong magkaroon ng ilog. Bilang isang maliit na kabesera, nagkaroon ito ng isang sapa, na kung saan ay madalas na tuyo".