![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/37/Example_of_a_set.svg/langtl-640px-Example_of_a_set.svg.png&w=640&q=50)
Pangkat (matematika)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa matematika, ang isang pangkat (Ingles: set) ay isang koleksyon ng mga natatanging elemento.[1][2][3] Maaring kahit anumang bagay ang mga elementong binubuo ng isang pangkat: mga tao, mga titik ng alpabeto, mga bilang, mga punto sa espasyo, mga guhit, mga hugis pang-heometriya, mga baryable, o kahit ibang mga pangkat.[4] Magkatumbas ang dalawang pangkat kung at kung lamang sila ay mayroong tumpak na mga parehong elemento.[5]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/37/Example_of_a_set.svg/320px-Example_of_a_set.svg.png)
Nasa lahat ng dako ng makabagong matematika ang mga pangkat. Sa katunayan, ang teorya ng pangkat, mas partikular ang teorya ng pangkat ng Zermelo–Fraenkel, ay naging pamantayang paraan upang magbigay ng mahigpit na mga pundasyon para sa lahat ng sangay ng matematika simula pa noong unang kalahati ng ika-20 dantaon.[4]