Pambansang koponan ng basketbol ng Estados Unidos
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pambansang koponan ng basketbol ng Estados Unidos ay kumukatawan sa Estados Unidos sa pandaidigang paligsahan ng basketbol.
| ||||
Ranking sa FIBA | 1 (28 Pebrero 2018) | |||
---|---|---|---|---|
Sumali sa FIBA | 1934 | |||
Sona ng FIBA | FIBA Americas | |||
Pambansang pederasyon | USA Basketball | |||
Punong tagasanay | Jeff Van Gundy: FIBA AmeriCup FIBA World Cup Qualifiers Gregg Popovich: FIBA World Cup Olympic Games | |||
Nickname(s) | Team USA | |||
Olympic Games | ||||
Mga nilahukang edisyon | 18 | |||
Mga medalya | Gold: (1936, 1948, 1952, 1956, 1960, 1964, 1968, 1976, 1984, 1992, 1996, 2000, 2008, 2012, 2016) Silver: (1972) Bronze: (1988, 2004) | |||
FIBA World Cup | ||||
Mga nilahukang edisyon | 17 | |||
Mga medalya | Gold: (1954, 1986, 1994, 2010, 2014) Silver: (1950, 1959, 1982) Bronze: (1974, 1990, 1998, 2006) | |||
FIBA AmeriCup | ||||
Mga nilahukang edisyon | 9[N] | |||
Mga medalya | Gold: (1992, 1993, 1997, 1999, 2003, 2007, 2017) Silver: (1989) | |||
| ||||
First international | ||||
USA 2–0 Espanya (forfeit) Berlin, Germany – August 7, 1936 | ||||
Biggest win | ||||
USA 156–73 Niherya London, United Kingdom – August 2, 2012 | ||||
Biggest defeat | ||||
USA 37–62 Unyong Sobyet Santiago, Chile – January 28, 1959 |
Ang Estados Unidos ang pinakamatagumpay na koponan sa mga pandaigdigang paligsahan - ito ay nanalo ng mga medalya sa lahat ng labing-pitong paligsahan sa Olimpiko na ipinasok nito kung saan labing-apat sa mga ito ay ginto. Dalawa sa mga iskuwad nito na nanalo ng ginto ay isinama sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame bilang mga koponan noong Agosto 2010— ang koponang 1960, na kasama ang anim na naunang kasapi sa Hall of Fame (4 na manlalaro, 2 na tagasanay), at ang koponang 1992, na tinaguriang "Dream Team", pinangungunahan ng 14 na naunang kasapi ng Hall of Fame (11 na manlalaro, 3 na tagasanay).[1] Ang Estados Unidos ay kasalukuyang nasa unahang puwesto ng FIBA World Rankings.
Dating sinasapihan lamang ng mga manlalarong amateur, isang pagbabago sa patakarn ng FIBA ay nagpahintulot sa USA Basketball na magsaayos ng mga koponan ng may mga manlalarong propesyonal. Ang pinakaunang koponan ay binansagang "Dream Team", na nanalo ng gintong medalya sa 1992 Olimpiko sa Barcelona sa Espanya at naging dominante sa lahat ng mga laban.[2][3][4]
Matapos naipakilala ang mga propesyonal, ang koponan ay nagawang maging dominante sa pangalawanag pagkakataon matapos makakuha lamang ng tansong medalya noong. Isang koponan ng mga manlalarong propesyonal ay sumali sa 1994 Pandaigdigang Kampeonato ng FIBA at natapos ng unang puwesto. Noong 1996, 2000, 2008, at 2012, nagawa muli ng Estados Unidos na manalo ng ginto sa Olimpiko.
Hinaharap ang mas matinding paligsahan laban sa mga ibang koponan, hindi nanalo ng medalya ang Estados Unidos sa 2002 Pandaigdigang Kampeonato ng FIBA, at nakatapos lamang ng ika-anim na puwesto. Sa 2004 na edisyon ng Olimpiko, natalo ang koponan ng tatlong beses sa kampanya nito na nauwi sa pagkakamit lamang ng tansong medalya. Ang kampanya nito noong 2004, ay nakagawa ng isang talaan - mas marami ang naging talo ng koponan sa taon na iyon kaysa sa lahat ng mga naging talo ng mga koponang Olimpiko sa mga naunang edisyong ng Olimpiko.
Masikap na wakasin ang mga kabiguang ito, ang USA Basketball ay nagsagawa ng isang proyektong pangmahabaang panahon na layong gumawa ng mas mabuti at mas kohesibong mga koponan. Nanalo ang Estados Unidos sa pito nitong laban sa 2006 Pandaigdigang Kampeonato ng FIBA sa Hapon bago ito natalo sa Gresya sa semifinal at natapos ang kanilang kampanya sa pagkamit ng tansong medalya. Nanalo ang koponan ng ginto matapos ng dalawang tao, ngunit ito ay sa 2008 Olimpiko. Ang tagumpay na ito ay nasundan sa 2010 Pandaigdigang Kampeonato ng FIBA kahit walang manlalaro ng kasapi ng koponan ay sumali noong 2008. Hindi natalo ng kahit isang beses ang Estados Unidos at tinalo nito ang Turkiya sa huling laro upang iuuwi ang gintong medalya. Ipinagpatuloy ng Estados Unidos ang pagdominante nito at nanalo ng ginto at hindi natalo ng kahit isang beses sa 2012 Olimpiko at 2014 Pandaigdigang Kopa ng FIBA.