Paliparang Pandaigdig ng Bikol
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Paliparang Pandaigdig ng Bikol (Central Bicolano: Pankinàban na Palayogan kan Bikol) ay isang paliparang pandaigdig na kasalukuyang ginagawa pa na magsisilbi sa Legazpi, ang kabiserang lungsod ng Albay at ang rehiyonal na sentro ng Bicol Region, sa Pilipinas. Ang paliparan ay magkakaroon pa rin ng IATA at ICAO code ng lumang Paliparan ng Legazpi, sa kabila ng lokasyon sa Daraga.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Bicol International Airport Paliparang Pandaigdig ng Bikol Pankinàban na Palayogan kan Bikol | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buod | |||||||||||
Uri ng paliparan | Public | ||||||||||
Pinagsisilbihan | Legazpi, Albay | ||||||||||
Lokasyon | Daraga, Albay | ||||||||||
Itinayo | 2021 | ||||||||||
Mga koordinado | 13°06′44″N 123°40′38″E | ||||||||||
Mapa | |||||||||||
Mga patakbuhan | |||||||||||
|
Ang paliparan ay matatagpuan sa Daraga, isang katabing munisipalidad ng Legazpi. Ang proyekto na ₱ 3.5 bilyon ay nasa isang 200 ektaryang talampas na may layo ng 15 kilometro mula sa Bulkang Mayon. Ang ilang mga mapagkukunan ay pinangalanan ang paliparan sa Paliparang Pandaigdig ng Katimogang Luzon. Papalitan nito ang dating Legazpi Airport, na 2 hanggang 3 kilometro lamang mula sa bulkan.
Ang paliparan ay binuksan noong ika-7 ng Oktubre, 2021.[1] Tinatayang halos 2.2 milyong mga pasahero ang kayang akomodahin bawat taon.