Pagkubkob ng Baler
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pagkubkob ng Baler (Ingles: Siege of Baler ; Kastila: Sitio de Baler ) ay isa sa mga laban na naganap noong Himagsikang Pilipino . Inilatag ng mga Rebolusyonaryong Pilipino ang pagkubkob sa isang pinatibay na simbahan na ginawang kuta ng mga kawal na Kastila sa bayan ng Baler, Aurora, sa loob ng 337 araw, mula Hulyo 1, 1898 hanggang Hunyo 2, 1899.
Pagkubkob ng Baler | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng the Philippine Revolution | |||||||
Ang tropa ni Koronel Tecsón noong May 1899 | |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
1898–1899 1899 Unang Republika ng Pilipinas |
1898–1899 | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
|
| ||||||
Lakas | |||||||
800[4] | ±50[5] | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
700 (Spanish Claimed) | 17 killed[5] |
Ang digmaan ay natapos sa Kasunduan sa Paris noong 10 Disyembre 1898, sa pagsuko ng Espanya at pag-aangkin sa Pilipinas ng Estados Unidos. Bagamat nawalan na ang mga Espanyol ng pakikipag-ugnayan sa sarili nilang gobyerno at militar, ipinagpatuloy pa rin ng kanilang pwersa sa Baler ang kanilang depensa laban sa mga Pilipino hanggang 1899.