Paa
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang paa[1] (mula sa Sanskrito: पाद [pāda]) (Ingles: foot [isahan], feet [higit sa isa], hoof [isang paa ng kabayo at mga katulad nito], hooves [maramihan ng hoof], paw [paa ng mga pusa], aso o oso) ay ang pang-ibabang bahagi ng katawan ng tao o hayop na pangunahing ginagamit sa paglakad, pagtayo, at pagtakbo. Mayroong mga daliri at kuko ang mga paa. Sa mas malawak na kahulugan, nabibilang sa katawagang paa ang mga binti.
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Paa (paglilinaw).
May mga paa rin ang mga kasangkapang-bahay na walang-buhay katulad ng upuan at hapag. Paanan o puno naman ang tawag sa mga pinakaibaba ng mga istruktura, bundok, gusali at iba pa.[1] Tumutukoy din ang salitang paa (o piye) sa isang sukat ng haba ng isang bagay.