Osama bin Laden
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Usāmah bin Muhammad bin `Awad bin Lādin (Arabo: أسامة بن محمد بن عوض بن لادن) (10 Marso 1957 - 2 Mayo 2011)[1], karaniwang kilala bilang Osama bin Laden (Arabo: أسامة بن لادن, Usāmah bin Lādin) ay isang Muslim na militanteng pinaniniwalaang nagtatag sa maka-Jihad na organisasyong al-Qaeda[2].
Osama Bin Muhammad Bin 'Awad Bin Laden (Arabe: أسامة بن محمد بن عوض بن لادن) | |
---|---|
10 Marso 1957(1957-03-10) – 2 Mayo 2011(2011-05-02) (edad 54) | |
larawan mula sa Publication 10321 (Washington, DC: US Department of State, Abril 1996) | |
Pook ng kapanganakan | Riyadh, Saudi Arabia |
Labanan/digmaan | Afghan Jihad Digmaan laban sa Terrorismo |
Isa siyang miyembro ng prestihiyoso at mayamang mag-anak ng mga bin Laden. Kasama pa ng ibang mga militanteng Muslim, nagbigay siya ng dalawang fatwa—noong 1996 saka noong 1998—na ang mga Muslim ay kailangang pumatay ng mga sibilyan at mga sundalo mula sa Estados Unidos at mga kaalyadong bansa hanggang sa lisanin ng kanilang mga sundalo ang mga Muslim na bansa at tanggalan ng suporta ang Israel.[3][4]
Siya ay indiktado sa pederal na korte sa Estados Unidos dahil sa kanayang sinasabing pagkasangkot sa 1998 U.S. embassy bombings sa Dar es Salaam, Tanzania at Nairobi, Kenya, at siya ay nasa Pederal na Buro ng Imbestigasyon sa talaan ng sampung pinaghahanap na tao.
Kahit si bin Laden ay hindi na indikto[5] sa 11 Setyembre 2001 na mga atake, siya ay iniulat sinabi niyang kanyang responsibilidad sa kanila, sa isang Konserbatibong Wikang Briton na diyaryo[6] and in videos released to the public.[7] Ang mga atake ay mga pagpanghayjak ng United Airlines Flight 93, United Airlines Flight 175, American Airlines Flight 11, American Airlines Flight 77, at ang pagkawasak ng mga eroplanong iyon, ang World Trade Center sa New York City, New York, at pagkasira ng The Pentagon sa Arlington, Virginia,[8] at ang pagkamatay ng 2,974 mga biktima.[9]