Mojibake
nagkandagulo-gulong salita dahil sa maling ginamit na kodigo ng karakter / From Wikipedia, the free encyclopedia
Mojibake (IPA: [mod͡ʑibake], mula Hapones: 文字化け, lit. na 'pagbabago ng titik') ang tawag sa nagkandagulo-gulong teksto na resulta ng maling pagdekodigo sa naturang teksto dahil sa maling ginamit na sistema ng pagsasakodigo ng karakter.[1] Sistematiko nitong pinapalitan ang mga simbolo ng teksto ng mga simbolong walang kinalaman dito, madalas mula pa sa ibang sistemang panulat.[2] Hindi itinuturing na mojibake ang mga kaso kung saan walang kaakibat na karakter sa font na ginamit.
Naglalaman po ang artikulong ito ng mga espesyal na karakter. Dahil dito, posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang simbolo kung hindi suportado ang pag-render sa mga ito.