Miss Universe Philippines 2023
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe Philippines 2023 ay ang ikaapat na edisyon ng Miss Universe Philippines pageant, na ginanap sa Mall of Asia Arena, sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas noong 13 Mayo 2023.[1][2]
Miss Universe Philippines 2023 | |
---|---|
Petsa | 13 Mayo 2023 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Tema | Inspirational Filipina |
Pinagdausan | Mall of Asia Arena, Pasay, Pilipinas |
Lumahok | 38 |
Placements | 18 |
Hindi sumali |
|
Nanalo | Michelle Daniela Dee Makati |
Congeniality | Shayne Glenmae Maquiran Capiz |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Airissh Ramos Silangang Samar |
Photogenic | Jannarie Zarzoso Agusan del Norte |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Celeste Cortesi ng Pasay si Michelle Dee ng Makati bilang Miss Universe Philippines 2023.[3][4] Siya ay kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2023 na ginanap sa El Salvador noong 18 Nobyembre 2023 kung saan siya ay nagtapos bilang isa sa mga sampung semi-finalist.[5][6][7] Nagtapos bilang first runner-up si Christine Juliane Opiaza ng Zambales, habang nagtapos bilang second runner-up si Angelique Manto ng Pampanga.
Noong 6 Pebrero 2023, inanunsyo ng Miss Universe Philippines Organization na dalawang bagong titulo ang madadagdag sa edisyong ito.[8] Gayunpaman, inihayag ng may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip ang kanyang kagustuhan na ang bawat kandidata para sa Miss Universe ay mapili sa pamamagitan ng isang hiwalay na lokal na pageant. Ang anunsyong ito ay humantong sa haka-haka tungkol sa kung ito ay magkakaroon ng epekto sa mga plano ng lokal na organisasyon para sa mga bagong titulo.[9] Sa huli, ang dalawang bagong titulo ay hindi iginawad sa gabi ng koronasyon, dahil ang mga ito ay nasa ilalim ng organisasyon ng EmpirePH. Kasunod ng gabi ng koronasyon, kinoronahan sina Pauline Amelinckx at Krishnah Marie Gravidez bilang Miss Supranational Philippines 2023 at Miss Charm Philippines 2024 ayon sa pagkakasunod, sa isang programa na ginanap sa Okada Manila.[10][11] Sina Amelinckx at Gravidez ay kabilang sa Top 5 ng Miss Universe Philipines 2023.[10]
Mga kandidata mula sa tatlumpu't-walong lungsod at lalawigan ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Xian Lim, Alden Richards, at Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ang kompetisyon, samantalang sina Tim Yap at Miss Globe 2022 Maureen Montagne ang nagsilbing mga backstage correspondent.[12] Nagtanghal sina Jessica Sanchez at Nam Woo-hyun sa edisyong ito.