Miss Universe 2020
ika-69 edisyon ng Miss Universe / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 2020 ay ang ika-69 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, Estados Unidos noong 16 Mayo 2021.[1] Ang edisyong ito ay iniusog makalipas ang taong 2020 bunsod ng COVID-19.[2]
Miss Universe 2020 | |
---|---|
Petsa | 16 Mayo 2021 |
Presenters |
|
Entertainment | Luis Fonsi |
Pinagdausan | Seminole Hard Rock Hotel & Casino, Hollywood, Florida, Estados Unidos |
Brodkaster | Telebisyon:
|
Lumahok | 74 |
Placements | 21 |
Bagong sali | |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Andrea Meza Mehiko |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Thuzar Wint Lwin Myanmar |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Zozibini Tunzi ng Timog Aprika si Andrea Meza ng Mehiko bilang Miss Universe 2020.[3] Ito ang pangatlong tagumpay ng Mehiko sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Julia Gama ng Brasil, habang nagtapos bilang second runner-up si Janick Maceta ng Peru.[4][5]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-apat na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang kompetisyon. Sina Miss Universe 2014 Paulina Vega at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow ang nagsilbing mga expert analyst, samantalang si Miss USA 2019 Cheslie Kryst ang nagsilbing backstage correspondent. Nagtanghal si Luis Fonsi sa edisyong ito.[6][7]
Itinampok rin sa edisyong ito ang FYI bilang opisyal na broadcaster ng palabas sa unang pagkakataon. Ito ay naipalabas sa daan-daang milyong mga manonood mula sa 160 bansa.[8]