Mga Tsino
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Tsino ay ang iba't ibang mga indibiduwal o pangkat etniko na inuugnay sa Tsina, kadalasan sa pamamagitan ng lipi, etnisidad, pagkamamamayan, o ibang pagsapi.[1]
Ang mga Tsinong Han ang pinakamalaking pangkat etniko sa Tsina, na binubuo ng tinatatayang 92% ng kalupaang populasyon nito.[2] Binubuo ang mga Tsinong Han ng 95% sa Taiwan, 92% sa Hong Kong, 89% sa Macau at 74% sa Singapore.[3][4][5][6][7][8]
Sila din ang pinakamalaking pangkat etniko sa buong mundo na binubuo ng 18% ng populasyon ng mundo.[9][10]