Mga Ghaznavid
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang dinastiyang Ghaznavid (Persa: غزنویان ġaznaviyān) ay isang Persyanisadong[1] dinastiyang Muslim na may pinagmulang Turkong mamluk,[2][lower-alpha 1][3] sa kanilang pinakamalawak na lawak, pinamunuan ang malaking bahagi ng Iran, Afghanistan, at karamihan ng Transoxiana at ang hilagang-kanlurang subkontinenteng Indiyano mula 977 hanggang 1186.[4] Itinatag ang dinastiya ni Sabuktigin sa paghalili niya upang pamunuan ang Ghazna pagkatapos mamamatay ng kanyang biyenang si Alp Tigin, na isang dating heneral ng Imperyong Samanid mula sa Balkh, hilaga ng Hindu Kush sa Kalakhang Khorasan.
Bagaman nagmula ang dinastiya sa Gitnang Asya na Turko, lubusan itong na-Persyanisado na nakita sa wika, kalinangan, panitikan at ugali[lower-alpha 2][5][lower-alpha 3][6] at kaya dito, tinatawag itong "dinastyiang Persiyano."[7]
Idineklara ang kalayaan ng anak ni Sabuktigin na si Mahmud ng Ghazni mula sa Imperyong Samanid[8] at pinalawak ang Imperyong Ghaznavid sa Amu Darya, ang Ilog Indus at ang Karagatang Indiyano sa silangan at sa Rey at Hamadan sa kanluran. Sa ilalim ng pamumuno ni Mas'ud I, nagsimula nawala ang kontrol ng dinastiyang Ghaznavid sa mga kanlurang teritoryo nito sa dinastiyang Selyusida pagkatapos ng Labanan ng Dandanaqan, na nagresulta sa isang restriksyon ng mga ari-arian nito sa mga lugar sa ngayon na Afghanistan, at Pakistan (Punjab at Balochistan).[9][10] Noong 1151, nawala kay Sultan Bahram Shah ang Ghazni sa hari ng Ghurid na si Ala al-Din Husayn.