Lucca
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lucca ( /ˈluːkə/ LOO-kə, Italyano: [ˈlukka] ( pakinggan)) ay isang lungsod at komuna (munisipalidad) sa Toscana, Gitnang Italya, sa Ilog Serchio, sa isang matabang kapatagan malapit sa Dagat Liguria. Ang lungsod ay may populasyon na humigit-kumulang 89,000,[1] habang ang lalawigan nito ay may populasyon na 383,957.[2]
Lucca | |||
---|---|---|---|
Comune di Lucca | |||
Tanaw ng Lucca (2022) | |||
| |||
Mga koordinado: 43°50′30″N 10°30′10″E | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Toscana | ||
Lalawigan | Lucca (LU) | ||
Mga frazione | tingnan ang talaan | ||
Pamahalaan | |||
• Mayor | Alessandro Tambellini (PD) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 185.5 km2 (71.6 milya kuwadrado) | ||
Taas | 19 m (62 tal) | ||
Demonym | Lucchesi | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigong Postal | 55100 | ||
Kodigo sa pagpihit | 0583 | ||
Kodigo ng ISTAT | 046017 | ||
Santong Patron | San Paulino | ||
Saint day | Hulyo 12 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Ang Lucca ay kilala bilang isa sa "Città d'arte" (Bayan ng Sining) ng Italya, buhat sa buo nitong pader ng lungsod mula sa panahong Renasimyentong[3][4] at ang napakahusay na napreserbang sentrong pangkasaysayan, kung saan, bukod sa iba pang mga gusali at monumento, ay matatagpuan ang Piazza dell'Anfiteatro, na nagmula sa ikalawang kalahati ng ika-1 siglo AD at ang Tore ng Guinigi, isang 45 metrong tore na nagmula noong mga 1300.[5][6]
Ang lungsod din ang lugar ng kapanganakan ng maraming kompositor na tampok sa mundo, kabilang sina Giacomo Puccini, Alfredo Catalani, at Luigi Boccherini.[7]
Sa Kumperensiya ng Lucca, noong 56 BK, muling pinagtibay nina Julio Cesar, Pompeya, at Crassus ang kanilang pampolitikang alyansa na kilala bilang Unang Triunvirato.[8][9]