Lokal na pangkat
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lokal na pangkat, na tinatawag ding pangkat na nasa dako, pangkat na nasa lugar o pangkat na nasa pook (Ingles: local group, "pangkat na nasa isang dako, pook, o lugar" o "pangkat na nauukol sa isang dako o pook"), ay isang pangkat ng mga galaksiya na kasama rito ang galaksiya ng Mundo, ang Daang Magatas. Naglalaman ang pangkat ng 54 galaksiya (kasama na rito ang duwendeng galaksiya),na kasama ang kanilang gitang grabitasyonal na makikita sa pagitan ng Daang Magatas at Galaksiyang Andromeda. Nakapaloob ang mga galaksiya ng lokal na pangkat sa diyametrong 10 megalight-year (3.1 megaparsecs) (tignan ang 1 E+22 m para sa pagkukumpara ng layo) at mayroong dalawahang (dumbbell)[1] hugis. Tinatantiya na mayroong bigat ang pangkat na ito na 1.29±0.14 ×1012 M☉[1] at mayroong paghihiwalay ng belosidad na 61±8 km/s.[2] Bahagi ng Virgo Supercluster ang pangkat na ito (halimbawa ang Local Supercluster).[3]
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang Daang Magatas at ang Galaksiyang Andromeda ang dalawang mabibigat na galaksiya ng pangkat. Ang bawat isang paikot na galaksiya ay mayroong sistema ng satelayt na galaksiya.
- Binubuo ang sistemang satelayt ng Daang Magatas ng Galaksiyang Duwende ng Sagittarius, Malaking Kaulapan ng Mahelaniko, Maliit na Kaulapan ng Mahelaniko, Pangunahing Galaksiyang Duwende ng Canis, Ursa Minor Dwarf, Draco Dwarf, Carina Dwarf, Sextans Dwarf, Sculptor Dwarf, Fornax Dwarf, Leo I, Leo II, and Ursa Major I Dwarf at Ursa Major II Dwarf.
- Binubuo naman ang sistemang satelayt ng Galaksiyang Andromeda ng M32, M110, NGC 147, NGC 185, And I, And II, And III, And IV, And V, Pegasus dSph (tinatawag ding And VI), Cassiopeia Dwarf (tinatawag ding And VII), And VIII, And IX, And X, And XI, And XII, And XIII, And XIV, And XV, And XVI, And XVII, And XVIII, And XIX, at And XX.
- Ang Galaksiyang Triangulum, ang ikatlong pinakamalaki at ang kaisa-isang hindi galaksiyang bilog sa Lokal na Pangkat, ay hindi o maaaring kalapait ng Galaksiyang Andromeda subalit mayroon itong satelayt na tinatawag na Pisces Dwarf.
- Hindi malaman ang pagkakasapi ng NGC 3109, at ang kanyang kalapit na Sextans A at Antlia Dwarf dahil na rin sa kalayuan nito mula sa gitna ng Lokal na Pangkat.
Grabitasyonal na isinasama ang ibang miyembro ng pangkat sa IC10, IC1613, Phoenix Dwarf, Leo A, Tucana Dwarf, Cetus Dwarf, Pegasus Dwarf Irregular, Wolf-Lundmark-Melotte, Aquarius Dwarf, at Sagittarius Dwarf Irregular.