Linyang Yamanote
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Linyang Yamanote (山手線, Yamanote-sen) ay isang paikot na linyang daangbakal sa Tokyo, Japan, na pagmamay-ari ng East Japan Railway Company (JR East)[2]. Isa ito sa matrabahong at pinakaimportanteng linya sa Tokyo, na nag-uugnay sa pinakamahahalagang pangunahing estasyon at sentrong urban sa Tokyo, kasama na rito ang lugar ng Yūrakuchō/Ginza, Shibuya, Shinjuku, Marunouchi at Ikebukuro. Maaaring lumipat sa ibang linyang daangbakal ang mga mananakay sa lahat (hindi kasama ang dalawa) ng mga estasyon sa buong linya.
Linyang Yamanote | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Ibang pangalan | Linyang Yamate | ||
Uri | Mabigat na daangbakal | ||
Lokasyon | Tokyo | ||
Hangganan | Shinagawa (paikot) | ||
(Mga) Estasyon | 29 | ||
Araw-araw na mananakay | 3,725,247 (araw-araw, 2010)[1] | ||
(Mga) Bilang ng tren | 572 bagon (52 bloke) | ||
Kulay sa mapa | Dilaw-berde (JNR Blg. 6) | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1885 | ||
(Mga) Nagpapatakbo | JR East | ||
(Mga) Silungan | Tokyo General Rolling Stock Centre (malapit sa Estasyon ng Ōsaki) | ||
Ginagamit na tren | Seryeng E231-500 | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 34.5 km (21.4 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Pagkukuryente | 1,500 V DK na katenarya | ||
Bilis ng pagpapaandar | 90 km/h (55 mph)* | ||
Karaniwang layo ng bawa't estasyon | 1.27 km (0.79 mi) | ||
|
Pinapahiwatig ng "Linyang Yamanote" bilang opisyal na pangalan ng linya ang mga trakto sa pagitan ng Shinagawa at Tabata na ginagamit ng mga lokal na tren sa kanilang trakto kasama na rin ang kahilerang Linyang Pangkargada ng Yamanote na ginagamit ng mga tren ng Linyang Saikyō at Linyang Shōnan-Shinjuku, ang ilang limitadang serbsiyong ekspres at mga treng pangkargada. Subalit, tumutukoy na sa kabuuang 34.5 km paikot na linya ang "Linyang Yamanote" na sineserbisyuhan ng pang-araw-araw na lokal na tren[3]. (Ginagamit rin ng pahinang ito ang kaparehang kahulugan.)