Lalawigan ng Nakhon Nayok
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Nakhon Nayok (Thai: นครนายก, binibigkas [ná(ʔ).kʰɔ̄ːn nāː.jók]) ay isa sa mga sentral na lalawigan (changwat) ng Taylandiya, na itinatag ng Batas na Nagtatatag ng Changwat Samut Prakan, Changwat Nonthaburi, Changwat Samut Sakhon, at Changwat Nakhon Nayok, Taong Budistang 2489 (1946), na nagkabisa noong 9 Mayo 1946.
Nakhon Nayok นครนายก | |||
---|---|---|---|
(paikot pakanan mula sa taas-kaliwa): Wat Udom Thani, Luang Pho Pak Daeng Buddha sa Wat Phrammani, Gubat ng Kawayan sa Wat Chulaphonwanaram, Dambahan ng Buddharupa ng Ongkharak Campus ng Pamantasan ng Srinakharinwirot, Prinsa ng Khun Dan Prakan Chon | |||
| |||
Bansag: Nakhon Nayok, lungsod ng panaginip sa may kabesera, magagandang kabundukan, kabigha-bighaning mga talon, mayaman sa kalikasan, malaya sa polusyon | |||
Mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng lalawigan ng Nakhon Nayok | |||
Bansa | Thailand | ||
Capital | Lungsod ng Nakhon Nayok | ||
Pamahalaan | |||
• Governor | Amphon Angkapakornkun (simula Oktubre 2020) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,122 km2 (819 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-67 | ||
Populasyon (2018)[2] | |||
• Kabuuan | 260,093 | ||
• Ranggo | Ika-73 | ||
• Kapal | 123/km2 (320/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-39 | ||
Human Achievement Index | |||
• HAI (2017) | 0.5886 "average" Ika-36 | ||
Sona ng oras | UTC+7 (ICT) | ||
Postal code | 26xxx | ||
Calling code | 037 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | TH-26 | ||
Websayt | ww2.nakhonnayok.go.th |
Ang mga karatig na lalawigan ay (mula sa hilaga paikot pakanan) Saraburi, Nakhon Ratchasima, Prachinburi, Chachoengsao, at Pathum Thani. Ang Nakhon Nayok ay kilala sa mga talon at mga uri ng prutas.
Ang Nakon Nayok ay isang kalapit na lalawigan sa Bangkok at may iba't ibang atraksiyong panturista. Ang Pambansang Liwasan ng Khao Yai, ang pinakamatandang pambansang liwasan ng Taylandiya ay nasa lalawigan ng Nakhon Nayok at umaakit ng maraming turista.[4] Ang Prinsa ng Khun Dan Prakarn Chon ay isa pang atraksiyong panturista 2 oras sa labas ng Bangkok sa Nakhon Nayok.[5]