Kisangani
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kisangani /kiːsəŋˈɡɑːni/ (dating Stanleyville o Stanleystad) ay ang kabisera ng lalawigan ng Tshopo sa Demokratikong Republika ng Congo. Ito ang pangatlong pinakamalaking urbanisadong lungsod sa bansa at pinakamalaki sa mga lungsod na nasa tropikal na kagubatan sa looban ng Congo.[2]
Kisangani | |
---|---|
Palayaw: Boyoma | |
Mga koordinado: 0°31′0″N 25°12′0″E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Lalawigan ng Tshopo |
Mga komyun (mga distritong urbano) | Lubunga, Makiso, Mangobo, Tshopo, Kabondo, Kisangani |
Pamahalaan | |
• Mayor | Augustin Osumaka Lofanga |
Taas | 447 m (1,467 tal) |
Populasyon (2015) | |
• Kabuuan | 1,602,144[1] |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras ng Gitnang Aprika) |
Dating kilala bilang Stanleyville sa wikang Pranses (o sa wikang Olandes, Stanleystad (tulong·impormasyon)), ang kasalukuyang pangalan ng lungsod ay hango sa Talon ng Boyoma, ang mga pitong-nakaarkong talon na matatagpuan sa timog ng lungsod. Unang binigay rin ang pangalan nito sa tabawing kinaroroonan ng lungsod. Singitini (o Singatini) kapag isinalin sa Lingala (Kisangani ay galing sa kasalukuyang Swahili), bawat isa ay may magkakatulad na kahulugang "ang Lungsod na nasa Pulo", bilang pagtukoy sa mga nakapalibot na mga sangay (na ang mga katubigan nito ay naghihiwalay ng karamihan ng lungsod sa punong lupain). Kilala rin ito bilang "Kisangani Boyoma", at ang demonym para sa Kisangani ay Boyoman (o Boyomais sa wikang Pranses). Sa wikang Tagalog o Filipino, ang demonym ay maaaring isalin bilang Boyomano o sa payak, taga-Kisangani.
Ang mga wikang pinaka-ginagamit ng mamamayan ng lungsod sa tahanan ay Swahili at Lingala, sumunod ay wikang Pranses. Alinsunod sa Saligang Batas ng Demokratikong Republika ng Congo, ang opisyal na wika ng Kisangani ay wikang Pranses.[3]
Dahil ito ay nasa layong 1300 milya mula sa bunganga ng Ilog Congo, ang Kisangani ay ang pinakamalayong punto salungat sa agos ng ilog na maaaring madaraanan ng sasakyang pantubig. Ang lungsod ay pinakamahalagang pantalang panloob ng bansa ang Kisangani kasunod ng pambansang kabisera na Kinshasa, pinakamahalagang pusod pangkalakalan para sa transportasyong pang-ilog at panlupa, at pangunahing sentrong pampamilihan at pampamamahagi para sa hilaga-silangang bahagi ng bansa. Ito ay matagal nang pangkalakalang kabisera ng hilagang Congo mula pa noong kahulihan ng ika-19 na dantaon.
Tahanan din ang Kisangani ng ilang maimpluwensiyang politiko, kabilang na ang pambansang bayani at unang punong ministro ng bansa na si Patrice Emery Lumumba. Sa lungsod na ito ipinanganak ang maninikap (entrepreneur) at dating gobernador ng dating Lalawigan ng Orientale na si Jean Bamanisa Saïdi [fr], na nagtapos sa Unibersidad ng Kisangani.