John Wesley Powell
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si John Wesley Powell[1] (Marso 24, 1834 ā Setyembre 23, 1902) ay isang Amerikanong sundalo, heyologo, at eksplorador ng Kanlurang Amerika. Tanyag siya dahil sa Heograpikong Ekspedisyon ni Powell noong 1869, isang paglalakbay sa ilog na nagtagal ng tatlong buwan patungo sa Lunting Ilog ng Utah at Ilog ng Kolorado na kinabibilangan ng unang pagtahak sa Malawak na Sabak (Grand Canyon).