John Locke
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si John Locke (29 Agosto 1632 ā 28 Oktubre 1704), kilala bilang Ama ng Liberalismo,[1][2][3] ay isang Ingles na pilosopo at manggagamot. Naimpluwensiyahan ng mga sulatin niya sina Voltaire at Rousseau, marami sa mga tagapag-isip noong Kamulatang Eskoses, pati na mga rebolusyonaryong Amerikano. Nabanggit siya sa Pagpapahayag ng Kalayaang Amerikano.[4]
Ang mga teoriya ni Locke ay karaniwang tungkol sa katauhan at sarili (pagsasaalang-alang ng sarili). Inisip ni Locke na ang mga tao ay ipinanganak na walang kaisipan, sa halip ang kaalaman ay natutukoy lamang ng karanasan.[5]