Johann Heinrich Lambert
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Johann Heinrich Lambert[1] (26 Agosto 1728 – 25 Setyembre 1777), ay isang matematiko, pisiko, astronomong Aleman.
Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...
Johann Heinrich Lambert | |
---|---|
Kapanganakan | 26 Agosto 1728 |
Kamatayan | 25 Setyembre 1777 |
Nasyonalidad | Alemanya |
Kilala sa | Irasyonalidad ng π Batas Lambert-Beer-Bouguer |
Karera sa agham | |
Larangan | Matematiko, pisiko at astronomo |
Isara
Isinilang siya sa Mülhausen (kasalukuyang Mulhouse, Alsace, Pransiya). Naging paborito siya ni Frederick the Great, hari ng Prusya. Nananaliksik siya hinggil sa matematika, astronomiya, init, liwanag, at kulay. Ipinangalan sa kaniya ang salitang lambert, na isang yunit ng katingkaran. Kabilang sa kaniyang mga nagawa ang pagpapatunay ng irasyonalida ng numero o bilang na pi o π [bigkas: pay], na nangangahulugang "ang rasyon o kapatas ng sirkumperensiya ng isang bilog sa kaniyang diyametro."[1][2]