James A. Garfield
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si James Abram Garfield (19 Nobyembre 1831 – 19 Setyembre 1881) ay naglingkod bilang pangulo ng Estados Unidos. Siya ang ika-20 pangulo ng Estados Unidos. Naupo siya sa loob lamang ng anim na buwan. Noong 2 Hulyo 1881, kulang dalawang buwan sa pagkakaupo niya bilang pangulo, nabaril si Garfield habang naghihintay sa isang tren sa isang estasyon ng tren sa Washington, D.C.. Si Charles J. Guiteau ang asesinong pumatay kay Garfield, na ang dahilan ay ang pagtanggi ni Garfield na bigyan si Guiteau ng trabaho sa pamahalaan. Namatay si Garfield noong Setyembre 19 matapos maghirap ng higit sa dalawang buwan. Isa lamang siyang mahirap na bata na naging presidente sa kolehiyo, heneral, kongresista, at pangulo ng Estados Unidos. Si Garfield ang unang pangulo ng Estados Unidos na gumamit ng telepono.[1]
James Abram Garfield | |
---|---|
Ika-20 Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika | |
Nasa puwesto 4 Marso 1881 – 19 Setyembre 1881 | |
Pangalwang Pangulo | Chester A. Arthur (1881) |
Nakaraang sinundan | Rutherford B. Hayes |
Sinundan ni | Chester A. Arthur |
Kasapi ng Estados Unidos na Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ohio na ika-19 (na) distrito | |
Nasa puwesto 4 Marso 1863 – 3 Marso 1881 | |
Nakaraang sinundan | Albert G. Riddle |
Sinundan ni | Ezra B. Taylor |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | 19 Nobyembre 1831(1831-11-19) Moreland Hills, Ohio |
Namatay | 19 Setyembre 1881(1881-09-19) (edad 49) Elberon (Long Branch), New Jersey |
Kabansaan | Amerikano |
Partidong pampolitika | Republikano |
Asawa | Lucretia Rudolph Garfield |
Alma mater | Kolehiyong Williams |
Trabaho | Abogado, Edukador, Ministro |
Pirma |
- Para sa anak niya na isa ring politiko, tingnan ang James Rudolph Garfield.