Imperyong Khmer
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imperyong Khmer ( /kəˈmɛər/; Khmer: ចក្រភពខ្មែរ: Chakrphup Khmer or អាណាចក្រខ្មែរ Anachak Khmer) o Imperyong Angkor (Khmer: អាណាចក្រអង្គរ: Anachak Angkor) ay ang mga katawagan na ginagamit ng mga dalubhasa sa kasaysayan upang tukuyin ang Cambodia mula ika-9 na dantaon hanggang ika-15 dantaon nang ang bansa ay isang imperyong Hindu/Budista sa Timog-silangang Asya. Tinutukoy ng imperyo ang sarili bilang Kambuja o Kambujadesa na sinaunang katawagan para sa Cambodia. Lumago ang imperyo mula sa dating kabihasnan ng Funan at Chenla, na pinamunuan at/o sinakop ang karamihan ng kalupaang Timog-silangang Asya[3] at bahagi ng Katimugang Tsina, lumalawak mula sa dulo ng Tangway ng Indotsina tungong norte hanggang sa makabagong lalawigan ng Yunnan, China, at mula Vietnam pakanluran hanggang Myanmar.[4][5]
Imperyong Khmer ចក្រភពខ្មែរ Cakrabhub Khmer कम्बुजदेश Kambujadeśa | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
802–1431 | |||||||||
Watawat | |||||||||
Katayuan | Imperyo | ||||||||
Kabisera | Mahendraparvata (maagang ika-9 na dantaon) Hariharalaya (ika-9 na dantaon) Koh Ker (928–944 AD) Yasodharapura (Angkor) (huling ika-9 hanggang maagang ika-15 dantaon) | ||||||||
Karaniwang wika | Lumang Khmer Sanskrit | ||||||||
Relihiyon | Hinduismo Budismong Mahayana Budismong Theravada | ||||||||
Pamahalaan | Dibino, ganap na monarkiya | ||||||||
Hari | |||||||||
• 802–850 | Jayavarman II | ||||||||
• 1113–1150 | Suryavarman II | ||||||||
• 1181–1218 | Jayavarman VII | ||||||||
• 1417–1463 | Ponhea Yat | ||||||||
Panahon | Gitnang Panahon | ||||||||
• Pagluklok sa trono ni Jayavarman II | 802 | ||||||||
• Naitayo ang Angkor Wat | 1113–1150 | ||||||||
• Pagsakop ng Ayutthaya | 1431 | ||||||||
Lawak | |||||||||
1290[1][2] | 1,000,000 km2 (390,000 mi kuw) | ||||||||
Populasyon | |||||||||
• 1150 | 2,000,000 | ||||||||
| |||||||||
Bahagi ngayon ng | Cambodia Laos China Vietnam Thailand Myanmar |
Ang pinakamalaking pamana nito ay ang Angkor, sa kasalukuyang Cambodia, na ang lugar ng kabiserang lungsod noong tugatog ng imperyo. Nagpapatotoo ang mga marilag na bantayog ng Angkor, tulad ng Angkor Wat at Bayon, sa napakalawak na kapangyarihan at kayamanan ng Imperyong Khmer, kahanga-hangang sining at kalinangan, pamamaraan sa arkitektura, mga nakamit sa estetika, at iba't ibang sistema ng paniniwala na tinangkilik nito sa paglipas ng panahon. Naisiwalat ng paglalarawan ng satelayt na ang Angkor, sa panahon ng rurok nito noong ika-11 hanggang ika-13 dantaon, ay ang pinakamalaking urbanong sentro sa buong mundo bago ang panahong industriyal.[6]
Kombensyonal na pinetsahan ang simula ng panahon ng Imperyong Khmer noong 802 nang inihayag ni Haring Jayavarman II ang sarili bilang chakravartin ("pangkalahatang pinuno") sa Phnom Kulen. Natapos ang imperyo noong pagbagsak ng Angkor noong ika-15 dantaon.