Heograpiya ng Aserbayan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Aserbayan ay isang bansa sa rehiyon ng Kaukasya, na matatagpuan sa salikop ng Europa at Kanlurang Asya. Tatlong pisikal na katangian ang nangingibabaw sa Aserbayan: ang Dagat Kaspiyo, na ang baybayin ay bumubuo ng natural na hangganan sa silangan; ang kabundukan ng Mas Dakilang Kaukasya sa hilaga; at ang malalawak na patag sa gitna ng bansa.[1] Halos kasinglaki ng Portugal o estado ng Estados Unidos ng Maine, ang Aserbayan ay may kabuuang sukat ng lupain na humigit-kumulang 86,600 kilometro kuwadrado, mas mababa sa 1% ng lupain ng dating Unyong Sobyet.[kailangan ng sanggunian] Sa tatlong estado ng Transkaukasya, ang Azerbaijan ang may pinakamalaking lupain.[kailangan ng sanggunian] Ang mga espesyal na subdibisyong administratibo ay ang Nagsasariling Republika ng Najichevan, na pinaghihiwalay mula sa natitirang bahagi ng Azerbaijan ng isang kipot ng teritoryo ng Armenia, at ang Nagsasariling Rehiyon ng Nagorno-Karabakh, na ganap na nasa loob ng Azerbaijan.[kailangan ng sanggunian] Ang katayuan ng Nagorno-Karabakh ay pinagtatalunan ng Armenia.
Kontinente | Europa/Asya |
---|---|
Rehiyon | Kaukasya |
Koordinado | 40°30′N 47°30′E |
Lawak | Ranggo ika-112 |
• Kabuuan | 86,600 km2 (33,400 mi kuw) |
• Lupa | 99.87% |
• Tubig | 0.13% |
Baybayin | 713 km (443 mi) |
Pinakamataas na lugar | Bazarduzu Dagi 4,485 m (14,715 tal) |
Pinakamababang lugar | Dagat Kaspiyo −28 m (−92 tal) |
Pinakamahabang ilog | Ilog Kura 1,514 km (941 mi) |
Pinakamalaking lawa | Reserba ng Mingäçevir 605 km2 (234 mi kuw) |
Klima | subtropikal at and mabanas satimog-silangan, subtropikal at tuyo sa sentral at silangan |
Tereno | mabundok at mabababang lupain |
Likas na yaman | Petrolyo, natural gas, ore ng bakal, mga 'di-ferosong metal, bauxita |
Likas na panganib | Tagtuyot at mga baha, tumataas na nibel ng Dagat Kaspiyo |
Usaping pangkapaligiran | polusyon sa hangin, polusyon sa tubig, desertipikasyon, mga mapanganib na basura, pagtatapon sa dagat, polusyon ng barko |
Matatagpuan sa rehiyon ng katimugang Bulubundukin ng Kaukasya, ang Azerbaijan ay nasa hangganan ng Dagat Kaspiyo sa silangan, Georgia at Rusya sa hilaga, Iran sa timog, at Armenia sa timog-kanluran at kanluran. Ang isang maliit na bahagi ng Nakhchivan ay nasa hangganan din ng Turkiya sa hilagang-kanluran.[kailangan ng sanggunian] Ang kabesera ng Aserbayan ay ang sinaunang lungsod ng Baku, na nagtataglay pinakamalaki at pinakamahusay na daungan sa Dagat Caspian at matagal nang naging sentro ng industriya ng langis ng republika.[1][2][3]