Guhit (heometriya)
tuwid na pigura na walang lapad at lalim / From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Guhit.
Sa matematika, ang nosyon ng guhit o linya o tuwid na linya ay pinakilala ng mga sinaunang matematiko upang ilarawan ang mga tuwid na obhekto na hindi mahalaga ang lapad at lalim. Ang mga linya ang idealisyon ng mga gayong obhekto. Pagdating ng ikalabing pitong siglo, ang mga linya ay inilalalarawan na : "Ang linya ang unang spesiyes (species) ng kantidad na mayroon lamang isang dimensiyon na tinatawag na haba (length) na walang lapad (width) o lalim (depth) at ito ay walang iba kundi ang daloy o takbo ng punto na [...] nag-iiwan sa imahinaryong paggalaw nito ng isang bestiyo (makikitang marka) sa haba na walang lapad. [...] Ang tuwid na linya ay isang magkatumbas na pinahaba sa pagitan ng mga punto nito.[1]