Guangzhou
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Guangzhou (Tsinong pinapayak: 广州; Tsinong tradisyonal: 廣州; Cantonese pronunciation: [kʷɔ̌ːŋ.tsɐ̂u] or [kʷɔ̌ːŋ.tsɐ́u] ( pakinggan); Pagsasalitang Mandarin: [kwàŋ.ʈʂóu] ( listen)), kilala rin bilang Canton at dating niromanisado bilang Kwangchow o Kwong Chow,[6] ay ang kabisera at pinakamataong lungsod ng lalawigan ng Guangdong sa katimugang Tsina.[7] Ito ay nasa Ilog Perlas sa layong humigit-kumulang 120 km (75 mi) hilaga-hilagang kanluran ng Hong Kong at 145 km (90 mi) hilaga ng Macau. Ang lungsod ay may kasayasayang umaabot nang higit sa 2,200 taon at isa rin itong pangunahing dulo ng pandagat na Daang Sutla,[8] at patuloy pa rin itong naglilingkod bilang pangunahing pantalang lungsod at pusod ng transportasyon, gayon din bilang isang sa pinakamalaking mga lungsod ng bansa.[9]
Guangzhou 广州市 Canton; Kwangchow | |
---|---|
Antas-prepektura at sub-probinsiyal na lungsod | |
Mula taas, kaliwa-pakanan: Tanawin ng Guangzhou kasama ang Ilog Perlas sa gabi; Toreng Canton; Rebukto ng Limang Kambing sa Liwasang Yuexiu; Toreng Zhenhai sa Liwasang Yuexiu; Katedral ng Sagrado Corazon ng Guangzhou; Distritong Sentral na Pangnegosyo ng Tianhe. | |
Mga palayaw: City of Rams, City of Flowers, Suicheng, marami pang iba | |
Kinaroroonan ng hurisdiksiyon ng Lungsod ng Guangzhou sa Guangdong | |
Mga koordinado (Pamahalaang Bayan ng Guangdong): 23°07′55″N 113°15′58″E | |
Bansa | Tsina |
Lalawigan | Guangdong |
Pamahalaan | |
• Uri | Sub-probinsiyal na lungsod |
• Kalihim ng Komite ng CPC | Zhang Shuofu |
• Alkalde | Wen Guohui |
Lawak | |
• Antas-prepektura at sub-probinsiyal na lungsod | 7,434.4 km2 (2,870 milya kuwadrado) |
• Urban | 3,843.43 km2 (1,483.95 milya kuwadrado) |
Taas | 21 m (68 tal) |
Populasyon (Katapusan ng taong 2018)[2] | |
• Antas-prepektura at sub-probinsiyal na lungsod | 14,904,400 |
• Kapal | 2,000/km2 (5,200/milya kuwadrado) |
• Urban | 11,547,491 |
• Metro (2010)[4] | 25 milyon |
Demonym | Kantones |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Oras ng Tsina) |
Kodigong postal | 510000 |
Kodigo ng lugar | (0)20 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-GD-01 |
GDP (nominal)[5] | 2018 |
- Kabuuan | ¥2.3 trillion $347 billion ($0.66 trillion, PPP) |
- Kada tao | ¥158,638 $23,963 ($46,778, PPP) |
- Paglago | 6.5% |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 粤A |
Bulaklak ng lungsof | Bombax ceiba |
Ibon ng lungsod | Chinese hwamei |
Mga wika | Kantones, Mandarin |
Websayt | english.gz.gov.cn |
Guangzhou | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pinapayak na Tsino | 广州 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 廣州 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Postal | Canton Kwangchow | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Malawak na Prepektura | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
daglat | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tsino | 穗 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Mga dating pangalan | |||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Nanwucheng | |||||||||||||||||||||||||
Tsino | 南武城 | ||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Katimugang Wucheng | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
Panyu | |||||||||||||||||||||||||
Tsino | 番禺 | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
Panlalawigang Kabisera ng Guangfu | |||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 廣府 省城 | ||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 广府 省城 | ||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Malawak na Prepekturang Panlalawigan na Lungsod | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
Xingwang | |||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 興王 | ||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 兴王 | ||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Happy King | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
Mga di-pormal na pangalan (sa Ingles) | |||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
City of Rams City of the Five Rams | |||||||||||||||||||||||||
Tsino | 羊城 五羊城 | ||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Goat/Sheep City Five Goat/Sheep City | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
City of the Immortals | |||||||||||||||||||||||||
Tsino | 仙城 | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
City of Flowers | |||||||||||||||||||||||||
Tsino | 花城 | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
Rice City | |||||||||||||||||||||||||
Tsino | 穗城 | ||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Rice-ear City | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
Ang Guangzhou ay nasa pusod ng pinakamataong built-up na kalakhang pook sa kalupaang Tsina na umaabot sa pangunahing mga lungsod ng Foshan, Dongguan, Zhongshan at Shenzhen. Bumubuo ito sa isa sa pinakamalaking mga aglomerasyong urbano sa mundo. Sa pamamahala, humahawak ang lungsod ng katayuang sub-probinsiyal[10] at isa ito sa siyam na mga Pambansang Sentral na Lungsod ng Tsina.[11] Sa katapusan ng taong 2018, tinatayang nasa 14,904,400 katao ang populasyon ng malawak na pook pampangasiwaan ng lungsod, isang 3.8% paglago mula sa nakaraang taon.[12] Tinanda ang Guangzhou bilang isang Alpha global city.[13] May mabilis na dumaraming bilang ng mga banyaga na pansamantalang residente at nandayuhan mula Timog-silangang Asya, Gitnang Silangan, Silangang Europa at Aprika.[14][15] Humantong ito sa pagbansag sa lungsod bilang "Kabisera ng Ikatlong Mundo".[16]
Ang panloob na populasyong migrante mula sa ibang mga lalawigan ng Tsina sa Guangzhou ay 40% ng kabuoang populasyon ng lungsod noong 2008. Kasama ang Shanghai, Beijing at Shenzhen, ang Guangzhou ay may isa sa pinakamahal na mga pamilihan ng pag-aaring real (real estate) sa bansa.[17] Noong huling bahagi ng dekada-1990 at unang bahagi ng dekada-2000, lumipat sa Guangzhou ang mga mamamayan ng sub-Saharanong Aprika na unang tumira sa Gitnang Silangan at ibang mga bahagi ng Timog-silangang Asya, bunsod ng naganap na krisis sa pananalapi sa Silangang Asya noong 1997/98.[18]
Dating tinuringan na tanging pantalan ng Tsina na magagamit ng maraming mga dayuhang mangangalakal, bumagsak ang Guangzhou sa kamay ng mga Briton noong Unang Digmaang Opyo. At dahil hindi na nakatatamasa ng monopolyo ang pantalang lungsod kasunod ng digmaan, napunta ang mga kalakalan nito sa ibang mga pantalan tulad ng Hong Kong at Shanghai, ngunit patuloy pa ring naglingkod ito bilang isang pangunahing entrepôt. Sa makabagong komersiyo, mas-tanyag ang Guangzhou sa taunang Canton Fair, ang pinakamatanda at pinakamalaking peryang pangkalakal sa Tsina. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taon (2013–2015), niranggo ng Forbes ang Guangzhou bilang pinakamahusay na lungsod pangkomersiyo sa kalupaang Tsina.[19]