Grace Kelly
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Grace Patricia Kelly (Nobyembre 12, 1929 – Setyembre 14, 1982) ay isang Amerikanang aktres na, noong Abril 1956, ay ikinasal kay Rainier III, Prinsipe ng Monako, upang maing Prinsesang konsorte ng Monako, inistilo bilang Ang Kanyang Mabining Kataastaasan Ang Prinsesa ng Monako (sa Ingles ay Her Serene Highness The Princess of Monaco), ay karaniwang tinutukoy bilang Prinsesa Grace.
Grace Kelly | |
---|---|
Si Grace Kelly na nasa pelikulang High Society (1956). | |
Panunungkulan | Abril 19, 1956 – Setyembre 14, 1982 |
Asawa | Rainier III, Prinsipe ng Monako |
Anak | Caroline, Prinsesa ng Hanover Albert II, Prinsipe ng Monako Prinsesa Stéphanie ng Monako |
Buong pangalan | |
Grace Patricia Kelly | |
Lalad | Angkan ng Grimaldi (Kabahayang Grimaldi) |
Ama | John B. Kelly, Sr. |
Ina | Margaret Katherine Majer |
Kapanganakan | 12 Nobyembre 1929(1929-11-12) Philadelphia, Pennsylvania, Estados Unidos |
Kamatayan | 14 Setyembre 1982(1982-09-14) (edad 52) Monako |
Libingan | Katedral ng Monako |
Katungkulan | Aktres |
Lagda | |
Pananampalataya | Kotolisismong Romano |
Pagkaraang magsimula sa larangan ng pag-aartista noong 1950, sa gulang na 20, lumitaw si Grace Kelly sa mga produksiyong pangteatro ng Lungsod ng New York pati na sa mahigit sa apatnapung mga episodyo ng buhay na pagpapalabas ng mga produksiyon ng drama noong kaagahan ng Ginintuang Panahon ng Telebisyon noong dekada ng 1950. Noong Oktubre 1953, sa paglabas ng Mogambo, siya ay naging isang bituin ng pelikula, isang katayuang natiyak noong 1954 sa pamamagitan ng isang Gantimpalang Ginintuang Globo (Golden Globe Award) at isang nominasyon sa Gantimpala ng Akademya (Academy Award) pati na mga pangunahing gampanin sa limang mga pelikula, kabilang na ang The Country Girl, kung saan nagbigay siya ng isang mapagkumbabang pagganap na nagkamit para sa kanya ng isang Gantimpala ng Akademya para sa Pinaka Mahusay na Aktres (Academy Award for Best Actress). Nagretiro siya mula sa pag-arte sa edad na 26 dahil sa kanyang mga tungkulin sa Monako. Siya at si Prinsipe Rainier ay nagkaroon ng tatlong mga anak: sina: Caroline, Albert, at Stéphanie. Napanatili rin niya ang kanyang pagka-Amerikana, na pinanatili ang pagkakaroon ng dalawang pagkamamayan, bilang mamamayan ng Estados Unidos at bilang Monégasque (ang tawag sa isang mamamayan ng Monako).
Namatay siya pagkaraang makaranas ng isang atakeng serebral (stroke sa Ingles) noong Setyembre 14, 1982, kung kailan nawalan siya ng kontrol sa minamaneho niyang kotse at nabangga. Ang kanyang anak na babaeng si Prinsesa Stéphanie ay kasama niyang nakasakay sa kotse, ngunit nakaligtas mula sa aksidente.
Noong Hunyo 1999, iniranggo siya ng American Film Institute o AFI ("Panimulaan ng Pelikula ng Amerika") bilang ika-13 sa kanilang listahan ng pangunahing mga bituing babae ng sinemang Amerikano. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[1]