Ginintuang trutsa
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ginintuang trutsa (Ingles: golden trout ; pangalang pang-agham: Oncorhynchus aguabonita) ay isang espesye ng trutsa na itinuturing bilang isang kabahaging espesye ng trutsang bahaghari. Malapit nitong kahawig ang bata pang trutsang bahaghari. Ang isdang ito ay nakikilala rin bilang ginintuang trutsa ng California (California Golden Trout) at katutubo sa Golden Trout Creek (Ilat o Sapa ng Ginintuang Trutsa), Volcano Creek at South Fork Kern River. Isa pang baryante, ang O. m. whitei, ay makasaysayang matatagpuan lamang sa Little Kern River subalit matatagpuan na ngayon sa iba pang kalapit na mga sapa rin. Ang trutsang ginintuan ay pangkaraniwang matatagpuan sa mga elebasyong 10,000 talampakan (3,000 m) na angat sa antas ng dagat, at katutubo sa California. Dating nakalagay sa espesyeng Oncorhynchus aguabonita, karamihan sa mga taksonomista ngayon ang nag-uuri sa ginintuang trutsa bilang kabahaging espesye ng trutsang bahaghari (Oncorhynchus mykiss,[1][2] na naglalagay sa isdang ito sa piling ng ilang mga kabahaging espesye na karaniwang nakikilala bilang trutsang may pulang paha (Ingles: redband trout; pangalang pang-agham: Oncorhynchus mykiss ssp.).
Trutsang ginintuan | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Di sinuri (IUCN 3.1) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | Salmoniformes |
Pamilya: | |
Sari: | Oncorhynchus |
Espesye: | O. aguabonita |
Pangalang binomial | |
Oncorhynchus aguabonita (D. S. Jordan, 1892) | |