Digmaang Apgano–Sobyetiko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Digmaang Apgano–Sobyetiko ay sandekadang hidwaang militar na kinasangkutan ng Unyong Sobyetiko na sumuporta sa rehimeng papet nito na Demokratikong Republika ng Apganistan laban sa radikal na Islamikong Mujahdeen. Isa itong digmaang sa pagitan ng mga puwersa ng Unyong Sobyet at ng Islamikong mga tribo ng Apganistan na laban sa pamahalaang Komunistang itinakda ng mga Sobyet. Nakatagpo ng ibang tumatangkilik ang mga mujahideen mula sa samu't saring mga bansa katulad ng Estados Unidos, Nagkakaisang Kaharian, Arabyang Saudi, Pakistan, Ehipto, at iba pang mga nasyong Muslim sa pamamagitan ng konteksto ng Digmaang Malamig. Ang mga puwersang Apgano na antikomunista (laban sa Komunista) ay pangunahing nakakuha ng suporta mula sa Estados Unidos at Pakistan.
Digmaang Apgano–Sobyetiko | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Digmaang Malamig and the Afghan conflict | |||||||
| |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
Unyong Sobyetiko Demokratikong Republika ng Apganistan |
Afghan Mujahideen Afghan Interim Government (from 1988) | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
Soviet Union:
Afghanistan:
|
Sunni Mujahideen:
Shia Mujahideen:
| ||||||
Mga sangkot na yunit | |||||||
Padron:Flagd Soviet Armed Forces Padron:Flagd KGB Padron:Flagd Paramilitaries:
|
Sunni Mujahideen Factions:
| ||||||
Lakas | |||||||
Soviet Union:
Afghanistan:
| Mujahideen: | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
Total: 86,470–98,017 Soviet Union: Afghanistan: |
Total: 162,579–192,579+ Mujahideen:
Total killed: 80,775–95,775+ | ||||||
Civilian casualties (Afghan): 1,500,000–2,000,000 killed[24][25]
Combatant deaths:3+ million wounded[26] 5+ million externally displaced 2+ million internally displaced More than 562,995 killed[27]
Total deaths:Approximately 3 million killed |
Ang unang pagpapadala ng mga sundalong Sobyet (ika-40 Hukbong-Katihan) sa Apganistan ay nagsimula noong 24 Disyembre 1979 sa ilalim ng pinunong Sobyet na si Leonid Brezhnev. Ang panghuling pagtatanggal ng mga tropa ng sundalong Sobyet ay nagsimula noong 15 Mayo 1988, at nagwakas noong 15 Pebrero 1989 sa ilalim ng huling pinunong Sobyet na si Mikhail Gorbachev. Dahil sa napakatagal na kalikasan ng digmaan, ang hidwaan sa Apgranistan ay kadalasang tinutukoy bilang Biyetnam ng mga Sobyet ;[28] ang analohiya ay naghahambing sa gampanin ng Amerika sa Digmaan ng Biyetnam. Maraming mga tao ang napatay o nasugatan sa matagal na digmaang ito. Nasa bandang mga sundalong Sobyet ang namatay, at nasa bandang 35,000 ang sugatan. Nasa bandang 1 milyong mga Apgano ang napaslang.