Cuyo
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Palawan / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bayan ng Cuyo ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 23,489 sa may 5,482 na kabahayan.
Cuyo Bayan ng Cuyo | |
---|---|
Mapa ng Palawan na nagpapakita sa lokasyon ng Cuyo. | |
Mga koordinado: 10°51′N 121°01′E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Mimaropa (Rehiyong IV-B) |
Lalawigan | Palawan |
Distrito | Unang Distrito ng Palawan |
Mga barangay | 17 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Andrew L. Ong |
• Manghalalal | 14,912 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 84.95 km2 (32.80 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 23,489 |
• Kapal | 280/km2 (720/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 5,482 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-4 na klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 11.38% (2018)[2] |
• Kita | ₱124,432,107.09 (2020) |
• Aset | ₱291,841,090.70 (2020) |
• Pananagutan | ₱122,683,633.48 (2020) |
• Paggasta | ₱97,344,111.47 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 5318 |
PSGC | 175310000 |
Kodigong pantawag | 48 |
Uri ng klima | Tropikal na klima |
Mga wika | Wikang Cuyonon Wikang Palawano wikang Tagalog |
Websayt | cuyopalawan.gov.ph |
Kabilang sa mga nasasakupan nito ay ang kanlurang bahagi ng pulo ng Cuyo, pati na rin ang Bisucay, Caponayan, Cauayan, Imalaguan, Lubid, Manamoc, Pamalican, Pandan, Round, at Kapuluan ng Quiminatin, lahat bahagi ng Kapuluan ng Cuyo. Pinakalumang bayan ang kuyo sa lalawigan ng Palawan at mayroong natatanging kultura na kanilang napanatili sa loob ng 350 taon. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, naging ikalawang punong lungsod ang Cuyo ng Palawan mula 1873 hanggang 1903.[3]
Mararating ang bayan mula sa Paliparan ng Cuyo, na nasa kapitbayan nitong Magsaysay, Palawan.