Cercopithecidae
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Cercopithecidae (Ingles: Old World monkeys, "mga unggoy ng Lumang Daigdig") ay isang pangkat ng Primate sa superpamilyang Cercopithecoidea sa klado (o parvorder) ng Catarrhini. Ang Cercopithecidae ay katutubo sa Aprika at Asya. Naging katutubo rin ito sa Europa ayon sa fossil record. Ang isang posibleng ipinakilalalang malayang gumagalang pangkat ng mga unggoy ay umiiral pa rin sa Gibraltar (Europa) sa kasalukuyan. Ang mga Lumang Daigdig na unggoy ay kinabibilangan ng marami sa mga pamilyar na species ng mga hindi taong primado gaya ng mga baboon at mga macaque. Sa piloheniya, ang mga Unggoy ng Lumang Daigdig ay mas malapit na kamag-anak ng mga bakulaw kesa sa mga Unggoy ng Bagong Daigdig. Ang mga ito ay humilaw mula sa karaniwang ninuno ng Unggoy ng Bagong Daigdig noong 45 hanggang 55 milyong taon ang nakakalipas.[3]
Mga Unggoy ng Lumang Daigdig[1] | |
---|---|
Olive baboon (Papio anubis) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Primates |
Suborden: | Haplorhini |
Infraorden: | Simiiformes |
Parvorden: | Catarrhini |
Superpamilya: | Cercopithecoidea |
Pamilya: | Cercopithecidae Gray, 1821[2] |
Tipo ng genus | |
Cercopithecus Linnaeus, 1758 | |
Subpamilya | |
Cercopithecinae - 12 genera |