Camulodunum
From Wikipedia, the free encyclopedia
51.892°N 0.898°E / 51.892; 0.898
Camulodunum | |
---|---|
Ang Camulodunum ay ipinapakitang nasa loob ng Essex | |
Sanggunian ng grid na OS | TL995255 |
Tala ng mga lugar: UK • Inglatera • Essex |
Ang Camulodunum ay ang pangalang Romano para sa isang sinaunang pamayanan na sa kasalukuyan ay nakikilala bilang Colchester, isang bayan na nasa Essex, Inglatera. Inaako na ang Camulodunum ay ang pinakamatandang bayan sa Britanya ayon sa pagkakatala ng mga Romano, na umiral bilang isang pamayanang Seltiko bago ang paglusob ng sinaunang mga Romano, noong ito ay maging unang bayang Romano, at pagdaka ay naging pamayanan ng tiniwalag nang mga kawal na Romano, na nakikilala bilang Colonia Claudia Victricensis. Mayroong ebidensiyang pang-arkeolohiya ng pamayanang ito noong 3,000 mga taon na ang nakalilipas. Ang pangalang Seltiko nito ay "Camulodunon", na nangangahulugang "ang kuta ni Camulos" (na si Camulos bilang isang diyos na Britaniko na katumbas ng diyos na Romanong si Marte).[1] Ang pangalang ito ay binago upang magkaroon ng pagbabaybay na "Camulodunum".