Bundok Merapi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bundok Merapi ay isang hugis-apang bulkan sa Gitnang Java, Indonesia. Ito ang pinaka-aktibong bulkan sa Indonesia at pumutok na ng 68 beses simula noong 1548. Bundok ng Apoy ang kahulugan ng pangalan nito. Napakalapit nito sa lungsod ng Yogyakarta, at libo-libong tao ang nasa gilid nito, kasama ang mga nayon na nasa 1700 m sa patag ng dagat.
Agarang impormasyon Mount Merapi, Pinakamataas na punto ...
Mount Merapi | |
---|---|
Gunung Merapi | |
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 2,930 m (9,610 tal)[1] |
Prominensya | 1,356 m (4,449 tal)[1] |
Pagkalista | Ribu |
Pagpapangalan | |
Salin | Mountain of Fire |
Wika ng pangalan | Indonesian |
Heograpiya | |
Heolohiya | |
Edad ng bato | 400,000 taon |
Uri ng bundok | Active Stratovolcano |
Huling pagsabog | Marso-Abril 2014 |
Isara
May mga ilang pagputok na nagdulot ng mga kamatayan. Pumuputok ito mula 1992 hanggang 2002, at isang partikular na malaking pagputok na pinatay ang 43 katao noong 1994. Nagsimula itong pumutok noong 2006, at nananiniwala ang mga siyentipiko na hindi maiiwasan ang malaking pagputok.