Baguio
lungsod ng Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Baguio (bigkas /bá·gyo/) ay isang 1st-class highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong-lungsod ng Cordillera Administrative Region. Napapalibutan ito ng probinsiya ng Benguet. Itinatag ang Baguio ng mga Amerikano noong 1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong 1 Hunyo 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong 1 Setyembre 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro (5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak.
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Hulyo 2009) |
Baguio (sa Ilokano) Ciudad ti Baguio Lungsod ng Baguio | ||
---|---|---|
City of Baguio | ||
Panoramang urbano ng Baguio | ||
| ||
Palayaw: Baguio City | ||
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Baguio | ||
Mga koordinado: 16°24′43″N 120°35′36″E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Rehiyong Administratibo ng Cordillera | |
Distrito | — 1430300000 | |
Mga barangay | 129 (alamin) | |
Pagkatatag | 1900 | |
Pista | Panagbenga | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Benjamin Magalong (Nationalist People's Coalition) | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Faustino Olowan (PDP-Laban) | |
• Kinatawan | Marquez Go (NP) | |
• Manghalalal | 168,218 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 57.51 km2 (22.20 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 366,358 | |
• Kapal | 6,400/km2 (16,000/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 100,220 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 1.00% (2021)[2] | |
• Kita | ₱2,162,365,461.20 (2020) | |
• Aset | ₱11,277,551,115.79 (2020) | |
• Pananagutan | ₱4,811,430,050.36 (2020) | |
• Paggasta | ₱1,420,203,715.99 (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 2600 | |
PSGC | 1430300000 | |
Kodigong pantawag | 74 | |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima | |
Mga wika | Wikang Kankanaey Wikang Ibaloi Wikang Iloko wikang Tagalog | |
Websayt | baguio.gov.ph |
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 366,358 sa may 100,220 na kabahayan.