Bagong Kaharian ng Ehipto
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bagong Kaharian ng Ehipto ang panahon sa kasaysayan ng Sinaunang Ehipto sa pagitan ng ika-16 siglo BCE hanggang ika-11 siglo BCE na sumasakop sa Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto, Ikalabingsiyam na dinastiya ng Ehipto at Ikadalawampung dinastiya ng Ehipto. Ang pagpepetsa ng radyokarbon ay naglalagay sa eksaktong simula nito mula 1570 BCE at 1544 BCE.[3]
Ang Bagong Kaharian ng Ehipto ay pumalit sa Ikalawang Pagitang Panahon ng Ehipto at sinundan ng [[Ikatlong Pagitang Panahon ng Ehipto. Ang panahon ng Bagong Kaharian ng Ehipto ay mailalarawan na masagana at nasa rurok ng kapangyarihan nito.[4]
Bagong Kaharian ng Ehipto | |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
c. 1550 BCE–c. 1069 BCE | |||||||||||||||
Kabisera |
| ||||||||||||||
Karaniwang wika | Sinaunang Ehipto, Nubiano, Cananeo | ||||||||||||||
Relihiyon | |||||||||||||||
Pamahalaan | Galing sa Diyos absolutong monarkiya | ||||||||||||||
Paraon | |||||||||||||||
• c. 1550 – 1525 BCE | Ahmose I (una) | ||||||||||||||
• c. 1107 – 1077 BCE | Ramesses XI (huli) | ||||||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||||||
• Naitatag | c. 1550 BCE | ||||||||||||||
• Binuwag | c. 1069 BCE | ||||||||||||||
Populasyon | |||||||||||||||
• ika-13 siglo BCE | 3[1] to 5[2] million | ||||||||||||||
|
Ang panahon ng Bagong Kaharian bilang isa sa mga "gintong kapanahunan" ng Sinaunang Ehipto ay inimbento noong 1845 ng Alemang Ehiptologong sinBaron von Bunsen.[5] Ang huling panahon nito sa ilalim ng mga dinastiyang ika-19 at ika-20 ay kilala bilang Panahong Ramesside mula sa pangalan ng 11 paraon na may pangalang Ramesses at kay Ramesses I na tagapagtatag ng Ikalabingsiyam na dinastiya ng Ehipto.