Arko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang balantok, arko, balukay, o alakos[1] ay isang bukas na lugar o butas sa isang gusali na nakakurba ang itaas. Maaaring bilog, katulad ng bahagi ng isang bilog, o patulis, katulad ng dalawang bahagi ng mga bilog na magkatabi. Kalimitang gawa ang balantok ng mga gusali sa maraming maliliit na mga bato, tisa, o bloke ng ladrilyo. Pinipigil ng tinatawag na "susing-bato" ang batong nasa pinakatuktok ng arko ang pagbagsak ng lahat ng iba pang mga batong pang-arko. Nailalagay ang mga arko sa mga pintuan at mga dungawan o bintana.
- Huwag itong ikalito sa arka.
Maaring kasingkahulugan ng mga arko ang bobeda (o vault sa Ingles), subalit naiiba ang bobeda sa tuloy-tuloy na arko nito[2] na binubuo ang isang bubong. Pinakamaagang lumitaw ang mga arko noong ikalawang milenyo BC sa arkitekturang ladriyo ng Mesopotamia[3] at ang kanilang sistematikong gamit na nagsimula noong mga sinaunang Romano, na ang unang naglapat ng kaparaanang ito sa iba't ibang istraktura.