Araw ng Pasasalamat
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Araw ng Pasasalamat, Araw ng Pagpapasalamat, o Araw ng Pagpasasalamat (Ingles: Thanksgiving Day) ay isang pesteho ng pag-aani. Sa pangkalahatan, tradisyunal itong isang panahon ng pagbibigay ng pasasalamat para sa mga ani at magpadama ng utang na loob. Isa itong araw ng pagdiriwang na pangunahing isinasagawa sa Canada at sa Estados Unidos. Bagaman tila pangpananampalataya ang simulain, pangkasalukuyang pangunahing itinuturing ang Pagpapasalamat na ito bilang isang kapistahang sekular.
- Para sa ibang gamit, tingnan ang Salamat (paglilinaw).
Araw ng Pasasalamat | |
---|---|
Ipinagdiriwang ng | Canada, Estados Unidos |
Uri | Pambansa |
Petsa | Pangalawang Lunes ng Oktubre (Canada) Pang-apat na Huwebes ng Nobyembre (Estados Unidos) |
Isang paksang may pagpapakumbabang pangangatwiran ang petsa at lokasyon ng unang selebrasyon ng Pagpapasalamat. Isang pagdiriwang na naganap sa pook ng Taniman ng Plymouth sa Kolonya ng Plymouth ang nakaugaliang "unang Pagpapasalamat" noong 1621. Maagang nangyari ang selebrasyong Plymouth sa kasaysayan ng magiging isa sa labintatlong mga kolonya na naging ang Estados Unidos. Pagsapit ng dekada ng 1800, naging isang mahalagang bahagi ng mitong Amerikano ang kapistahang ito. Ang Pagpapasalamat na ito, na hinango mula sa mga pagpipistang pangkaraniwan sa Europa ng makabagong panahon, ay pangkalahatang itinuturing bilang pinakauna sa Amerika. Pinangangatwiranan ni Robyn Gioia, isang guro sa mababang paaralan, na ang pinakamaagang pagsasagawa ng "pagpapasalamat" sa pook na kilala ngayon bilang Estados Unidos ay ipinagdiwang ng mga Kastila noong Setyembre 8, 1565 sa lugar na nakikilala sa kasalukuyan bilang San Agustin, Plorida.[1][2] Sa ngayon, ipinagdiriwang ang Pagpapasalamat tuwing ikalawang Lunes ng Oktubre sa Canada at tuwing ikaapat na Huwebes ng Nobyembre sa Estados Unidos. Ginaganap ang Hapunan ng Pasasalamat sa araw na ito, karaniwang bilang isang pagsasalu-salo at pagtitipun-tipon ng mga kasapi ng mag-anak at mga kaibigan.