Antas-Mohs ng katigasan ng mineral
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang antas-Mohs ng katigasan ng mineral ( /moʊz/) ay isang uriing panunurang talaantasan na nagtatalaga ng sagwil sa gasgas ng iba't ibang mga mineral ayon sa kakayahang gasgasin ng mas matigas na materyal ang mas malambot na materyal. Nilikha noong 1812 ni Friedrich Mohs, isang heolohiyang at mineralohistang Aleman, ito ay isa sa ilang mga kahulugan ng katigasan sa agham-materyales, kung saan mas uriin ang mga ibang paraan.[1] Mula unang panahon ang pamamaraan ng paghahambing ng katigasan sa pamamagitan ng pag-obserba kung aling mga mineral ang maaaring gumasgas sa iba. Binanggit ni Teoprasto sa kanyang tratado On Stones, s. 300 BK, na sinundan ni Plinio ang Matanda sa kanyang Naturalis Historia, s. PK 77.[2][3][4] Habang nakatulong sa pagkakakilanlan ng mga mineral sa larangan, hindi ipinapakita ng antas-Mohs kung gaano kahusay ang mga materyales sa konteksto ng industriya.[5]